^

Dr. Love

Handang magpaubaya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po, Dr. Love. Sana abutin kayo ng liham kong ito na nasa mabuting kalagayan.

Lumiham po ako sa inyo, para ihingi ng payo ang problemang kinakaharap ko ngayon. Sinisisi ko ang aking sarili dahil parang ako pa ang nag-udyok sa aking boyfriend na mahulog sa patibong ng pinsan kong taga-States.

Madalas kaming nagtatawagan, nagtsa-chat, nagpapalipatan ng email ng pinsan kong si Jill pero minsan ko pa lang siya nakasalamuha nang magbakasyon ako sa kanilang bahay sa New Jersey.

Kaya nang magkaproblema siya nang mag-divorse sila ng asawa niya ay ako agad ang naisip niya at sa bahay namin siya tumira.

Nang magkita sila ng boyfriend kong si Alex, naramdaman kong may kakaibang dating siya kay Jill. At nakumpirma ko ito nang sa bawat lakad namin, gusto ni Jill na kasama ang boyfriend ko. Dahil masaya raw kapag andyan si Alex na may pagkakahawig sa kanyang asawa.

Minsan wala akong time na maging tourguide ni Jill, kaya pinapakisuyuan ko si Alex na siya muna ang mag-proxy sa akin. Madalas siyang tumanggi pero kapag pinilit ko na ay pumapayag na rin siya.

Hanggang sa namalayan ko na lang na hindi na nila ako sinasama sa mga lakad at nag-sorry sa akin si Alex. Dahil sa kahinaan niya sa mga patibong ni Jill.

Sobrang liberated si Jill at ang paniniwala niya, all is fair in love and war. Nahihirapan po akong tanggapin ang mga nangyari. Pero magkadugo pa rin kami ni Jill at dahil sinira ni Alex ang tiwala ko sa kanya, nakahanda akong magpaubaya kung ‘yun ang makakatulong sa aking pinsan para tuluyang maka-move on sa naging depression niya.

Thank you po sa pagbibigay-daan ninyo sa sulat ko. More power.

Gumagalang,

Charming

Dear Charming,

Naniniwala akong you made a right decision. At humahanga ako sa’yo, dahil sa kabila ng mga nangyari— nagmagandang-loob ka pa rin, ikaw ang nawalan at nasaktan pero hinahangad mo pa rin ang kabutihan ng iyong pinsan. You are such a wonderful person. Kaya you deserve a better man, na magbibigay din sa’yo ng tapat at tunay na pagmamahal.

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

ALEX

ANG

DAHIL

DEAR CHARMING

DR. LOVE

JILL

KAYA

MADALAS

NEW JERSEY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with