^

Dr. Love

Galit sa babae

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ipinaaabot ko sa iyo ang isang pagbati kalakip ang pag-asang nasa mabuti kang kalagayan.

Kasama ako sa marami mong tagasubaybay sa malawak mong column na Dr. Love.

Tawagin mo na lang akong Ben, 26-anyos at single pa rin. May kasintahan ako noon. May dalawang taon na ang nakakaraan. Pero siya ay nagtaksil sa akin. Akala ko mahal niya ako, ‘yun pala ay may dalawa pa siyang boyfriend bukod sa akin.

Masamang-masama ang loob ko nang malaman ko at nang sumbatan ko siya ay pinagtawanan pa ako. A

Moderno na raw ang panahon ngayon at wala nang stick to one. Nagtangka pa akong mag-suicide sa pag-inom ng insecticide. Nadala ako sa pagamutan at naligtas ako.

Mula noon ay galit na ako sa lahat ng babae. Hanggang makilala ko si Jessa, isang tindera sa palengke. Mahinhin at malayo ang ugali sa una kong girlfriend na magaslaw.  Nililigawan ko siya ngayon pero ang balak ko’y paglaruan lang siya. Tama ba ang iniisip ko?

Ben

Dear Ben,

Walang katarungan ang gagawin mo, Ben. Kasalanan ng iba, iba ang pananagutin mo? Hindi rin tama na lahat ng babae ay pagdiskitahan mo ng iyong galit dahil sa kasalanan ng isa.

Kung hindi mo talaga gusto ang babaeng ibig mong ligawan at ibig mo lang paglaruan, kalimutan mo na ang maitim mong balak.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANG

DEAR BEN

DR. LOVE

HANGGANG

IPINAAABOT

JESSA

KASALANAN

KASAMA

MAHINHIN

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with