^

Dr. Love

‘Gawa-gawang’ promotion

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa laki ng tiwala ko sa asawa ko, ni-sa guniguni ay hindi ko inisip na makakagawa siya ng kalokohan na makakaapekto sa aming relasyon bilang mag-asawa. Pero nagkamali po ako, dahil nagawa niya.

Una kong ipinagtaka ang pagbabago sa sche­dule ng asawa kong si Bob, dahil malimit siyang ipinapadala sa field work. Hindi naman po kasi ito kasama sa kanyang job description.

Nang tanungin ko siya, sinabi niyang inihahanda siya ng kanilang opisina para sa promotion at bahagi nun ang pagdestino sa kanya sa Cagayan De Oro. Panatag na sana ang kalooban ko sa alibi niya, Dr. Love, kundi sa kapirasong papel na nakita ko sa damit niya. Pangalan at address ng isang babae na taga-Cagayan De Oro ang nakasulat dito.

Sa maraming taon nang pagsasama namin, u­nang pagkakataon ko po makaramdam ng kakaibang kaba. Pero pinanghawakan ko muna ang kalooban ko at inalam ko ang sitwasyon sa opisina ni Bob.

Nakumpirma ko mula sa manager niya na hindi siya idinistino, kundi nag-request siya na mapunta sa CDO branch nila. Hindi ko muna sinabi kay Bob ang kasinungalingan niyang ito. Dahil susundan ko siya at titiktikan sa Cagayan.

Isang babae nga po ang sumalubong at inakbayan niya. At saka ako sumulpot sa harap nila. Kitang-kita ko ang pagkagulantang ng asawa ko. Pero hindi ako nag-iskandalo Dr. Love, sinabi ko lang kay Bob ang mga options niya saka ko sila tinalikuran. Hindi ko akalaing susunod pabalik ng Manila ang asawa ko.

Sa ngayon po ay may cold war kami. Pero hindi namin ipinapahalata sa pamilya. Natitiyak ko naman na willing akong magpaubaya kay Bob kung gusto niya ng kakaibang excitement sa buhay niya. Tinatantsa ko lang po kung hindi masasayang ang muli kong pagtitiwala sa aking asawa.

Maraming salamat po at sana hindi ako nagkamali ng desisyon.

Gumagalang,

Ched

Dear Ched,

Talagang hindi madali ang magpatawad, lalo na kung sariwa pa ang hapdi sa puso mo. Pero naka­handa kang ibigay ito sa iyong, asawa. Sana maisip ng mister mo kung gaano siya kasuwerte sa’yo. Lagi mong isama sa mga dasal mo para malayo siya sa tukso.

DR. LOVE

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASAWA

CAGAYAN DE ORO

DEAR CHED

DR. LOVE

HINDI

NIYA

PERO

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with