^

Dr. Love

Pantasya kay Patricia

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kami ng asawa ko ay maligayang nagsasama sa nakalipas na 15 taon. Mayroon na kaming dalawang anak na kapwa high school students.

Isang bagay na itinuturing ko na malaking patunay sa pagmamahal ko sa aking asawa ay ang pananatiling faithful sa aming relasyon. Walang ibang babae, walang kabit.

Pero aminado po ako na hindi ko maiwasan na humanga o ang tawag ko po ay pantasya sa ibang babae.

Humanga po ako sa isang magandang babae at natutuwa dahil minsan sa isang taon ay nagbabakasyon siya sa aming bahay. Ang tinutukoy ko po ay si Patricia, 24-anyos na pinsan ng aking asawa. Malapit po sila sa isat isa at dahil pawang nasa US na ang pamilya niya ay sa amin siya nanatili ng dalawang linggo.

Natutuwa ako kay Patricia, dahil bukod sa maganda, matalino at marunong siyang makisama. Hanggang sa hindi ko po sina­sadya ay napanaginipan ko si Patricia at bina­banggit ko raw ang pangalan nito habang ginigising ako ng aking asawa.

Nagpaliwanag ako sa aking asawa, dahil maaaring dala rin ng kagustuhan kong magkaanak ng babae na gaya ni Patricia kung kaya napanaginipan ko siya. Hindi naman na ako kinulit ni Zenaida pero alam kong nagseselos pa rin siya.

Ang problema ko po ay magpa-Pasko na naman at magbabakasyon na uli si Patricia sa amin, nahihiya naman ako kung malalaman pa niya ang nangyari. Dapat bang umiwas ako kay Patricia para hindi magselos ang misis­ ko? Malambing pa naman po sa akin ang batang ‘yun. Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Amador

Dear Amador,

Bakit hindi mo kausapin ang asawa mo, alamin mo kung ano ang estado ng kalooban niya tungkol sa panaginip mo. At bago pa man dumating ang kanyang pinsan ay sikapin mong ibalik ang seguridad ng katapatan mo sa kanya. Nang sa gayon ay parang wala lang nangyari.

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

AMADOR

ASAWA

BAKIT

DAPAT

DEAR AMADOR

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGGANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with