^

Dr. Love

Misis umibig sa kapwa babae

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sweet greetings to you and your legion of readers.

Tawagin mo na lang akong Margot, 26-anyos at may asawa. Nagtataka ako sa sarili ko.

May nakilala akong babae na na-attract ako. Noong college pa ako ay may tendency na po akong maakit sa kapwa ko babae pero hindi ko naman tinuring ang sarili ko na isang tomboy dahil nagkaroon ako ng apat na boyfriends.

Ngunit kakaiba ang nararamdaman ko nga­yon kay Marie, bagong empleyada sa bankong pinagtatrabahuhan ko.

Naging very close kami. Dalaga siya. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong ipahayag sa kanya ang aking damdamin at hindi nagtagal ay sinabi niyang may nararamdaman din siya sa akin.

Mahal ko ang aking asawa pero bakit parang so attracted ako kay Marie. Pagpayuhan mo sana ako, Dr. Love. Alam kong mali pero ito ang nadarama ko.

Margot

Dear Margot,

Hindi mo nasabi kung may mga anak ka. Margot, isipin mo lang ang iyong happy family at alam kong mawawala sa isipan mo ang damdaming iyan.

Tiyak ko na ‘di mo hahayaang masira ang pamilya mo dahil sa pakikipagrelasyon mo sa kapwa babae. Ikaw na rin ang nagsabing mali at sesegundahan ko. Mali talaga!

Higit sa lahat, hindi sinasang-ayunan ng Diyos­ ang ganyang relasyon ng mga taong pa­reho ang kasarian.

Huwag mong hayaang masira ang magandang relasyon mo sa iyong asawa dahil lang sa maling damdamin mo.

Dr. Love

 

vuukle comment

AKO

ALAM

DEAR MARGOT

DIYOS

DR. LOVE

HIGIT

HUWAG

IKAW

MARGOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with