^

Dr. Love

May kabit si Dad

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Sana ligtas kayo sa pinsalang dulot ng bagyo.

Lumiham po ako sa inyo dahil wala na akong ibang mapagsabihan ng aking problema.

May nakitang mamahaling hikaw ang mommy ko sa glove compartment ng kotse ng daddy ko. Naroon rin ang resibo kung kailan ito binili, kaya nakakatiyak kami na hindi iyon para kay mommy. Dahil lampas na ang birthday niya at kahit kailan ay hindi pa siya niregaluhan ng ganoong kamahal ni daddy.

Hindi po ako matahimik dahil sa bagay na ito, kaya nagsagawa ako ng sariling imbestigasyon. Pinakialaman ko ang ipad ni daddy at doon ko nakumpirma ang lahat. May kabit ang daddy ko na pamilyado rin.

Dr. Love, naaawa po ako sa mommy ko. Naguguluhan po ako ngayon kung dapat ko bang sabihin ito sa kanya. Nalaman ni daddy na pinakialaman ko ang ipad niya at ang sabi niya ay sa aming dalawa lang daw ‘yun para mapanatiling buo ang pamilya.

Parang wala lang sa daddy ko ang ginagawa niyang pagtataksil kay mommy habang sunud-sunuran naman ang mommy ko. Pinagre-resign siya ni daddy sa bangko kahit may ma­gandang posisyon siya, para asikasuhin na lang daw ang bahay at ang pamilya.

Dr. Love, tumututol po ang kalooban ko na manahimik na lang sa mga nalaman ko. Ano po ang dapat kong gawin?

Gumagalang,

Nenita

Dear Nenita,

Bilang nagmamalasakit na anak, natural lang ang nararamdaman mo. Pero natitiyak ko na mula nang matuklasan ng mommy mo ang tungkol sa hikaw ay may pakiramdam na siya tungkol sa bagay na iyan. Maaaring binabalewala niya lang alang-alang sa iyo o maaari ring iniiwasan niya ang posibleng masakit na katotohanan.

Pinakamabuti na alalayan mo ang iyong mommy sa bawat sitwasyon at sikapin na lagi mong maiparamdam sa kanya na mahal mo siya. Isama mo siya lagi sa panalangin mo, maging ang daddy mo. Dahil tanging ang Dios lang ang may kakayahang makapagpabago ng puso ninuman.

DR. LOVE

 

vuukle comment

ANO

BILANG

DADDY

DAHIL

DEAR NENITA

DIOS

DR. LOVE

LANG

MOMMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with