^

Dr. Love

Natauhan si Jean

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong nurse sa pribadong rehab center, naghihintay na noon ako sa resulta ng board exam para makapagtrabaho sa US at makasama ang aking mga magulang nang ma-in love ako sa isang pasyente ko.

Dahil bawal sa aking propesyon, uma­yon ako sa planong tanan ni Eddie. Sa bahay ng mga magulang niya kami tumuloy, ikinasal kami at nagkaroon ng dalawang anak.

Noong mga unang taon lang po naging maganda ang pagsasama namin ng aking asawa, dahil ang mga sumunod ay balik na siya sa barkada at bisyo. Ang nakakalungkot po ay kinukunsinti ng kanyang ina ang bagay na ito.

Dumating po sa sukdulan ang pagtitiis ko kay Eddie. Nagpasaklolo ako sa ba­ran­gay­ dahil sa malimit na pananakit niya. Nag­nanakaw na rin po siya. Maging ang mga magulang ko ay hindi na nakatiis sa sitwasyon ko. Kaya inilayo nila ako at ang aking mga anak kay Eddie. Sila na rin ang umako ng suporta para sa mga bata.

Sa kabila ng mga nangyari, umasa pa akong tutupad si Eddie sa pangakong magbabago na kaya tinanggap ko siya. Pero wala rin pong nangyari. Tuluyan ko nang pinutol ang pakikipagkomunikasyon sa kanya, maging sa pamilya niya.

Ngayon po, isang taon na lang ay ma­tatapos na sa kursong Med Tech ang aking panganay. Makakahanap na rin siya ng trabaho.

Alam kong mahal ko pa si Eddie pero hindi na gaya ng dati, dahil dala na lang ito ng awa. Sana sa sandaling mawala na ang kanyang ina na kumukunsinti sa kanya sa lahat ng bagay, matutunan niyang ituwid ang buhay niya.  

Gumagalang,

Jean

 

Dear Jean,

May pagkakataon na kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, kung ang kapalit nito ay mailagay sa panganib ang buhay mo at ng iyong mga anak, pipiliin mong lumayo at magpakatatag para sa susunod na bukas. Kasama mo ang pitak na ito sa panala­nging, makabangon sa pagkalugmok sa droga si Eddie habang may tsansa pa siya.

 DR. LOVE

vuukle comment

ALAM

DAHIL

DEAR JEAN

DR. LOVE

DUMATING

EDDIE

MED TECH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with