^

Dr. Love

Single Mama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mangyaring ikubli na lang n’yo ako sa panga­lang Brenda.

Dalagang-dalaga po ako at never been kissed, never been touch.

Pero may best friend ako noon na nabuntis sa pagkadalaga at namatay sa panganganak. Sa tagubilin niya bago mamatay, kinuha ko at inaring anak ang bata.

Bale single mother po ako ngayon ng batang ito na 7 years old na. Nagtatrabaho po ako bilang corporate secretary at ang kinikita ko ay inilalaan ko sa batang babaeng ito na napamahal na sa akin.

Alam ito ng boyfriend ko pero ang gusto niyang mangyari ay ipamigay ko ang bata sa mga lola niya bago ako pakasalan. Pero ang kaibigan kong namatay ay itinakwil na ng kanyang pamilya at ayaw kilalanin ang bata.

Ano ang gagawin ko?

Brenda

Dear Brenda,

Kausapin mo at kumbinsihin itong boyfriend mo dahil hindi naman karakarakang ma­ipamimigay ang bata sa ganyang edad na na­de-develop na ang isip.

Para sa akin, isang selfishness ang ibig ng boyfriend mo na ipamigay ang bata. Ang pag-aaruga sa ulila ay pinagpapala ng Diyos, iyan ang sabihin mo sa kasintahan mo.

Siguro may puso rin naman siyang maru­nong mahabag.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

ANO

BRENDA

DALAGANG

DEAR BRENDA

DIYOS

DR. LOVE

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with