^

Police Metro

Duterte balik Pinas na!

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakauwi na kahapon ng madaling araw sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang state visits sa Middle East.

 Ayon sa  Pangulo na pinaka-produktibong biyahe ang kanyang naging pagbisita Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.

 Nangako ang Pangulo na tutulong ang gobyerno para sa repatriation at kabuhayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kasabay ang pag-welcome sa mahigit na 100 amnesty availees mula sa Saudi Arabia.

 “We will continue to provide… lahat ng gustong umuwi. Lahat ng gustong umuwi na Pilipino doon, makakauwi. Gastusan natin ‘yan,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Ninoy Aquino International Airport.

  Nauna rito,  nasa 138 Filipinos kabilang ang 63 mga babae, 55 mga lalaki at 20 bata ang nakabalik sa bansa matapos mag-avail ng amnesty program ng Saudi Arabia.

Sinabi pa ng Pangulo na patuloy ang programa ng gobyerno para sa repatriation ng mga distressed OFWs.

 Ayon pa kay Duterte, siya ang maghahanap ng pera para sa pagbabalik sa bansa ng mga gustong bumalik na sa Pilipinas na OFWs.

 Bukod pa rito, bibigyan din aniya ng gobyerno ng puhunan ang mga gustong magsimula ng negosyo.

“Magbigay kami ng, nagbubuhos ako dito billion. Mag-aral o turuan kayo mag-aral ng business ninyo. Tailoring, mapa-bakery. Tapos bibigyan kayo ng capital,” sabi ng Pangulo.

Pinayuhan ni Duterte ang mga OFWs na magtungo sa tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kani-kanilang rehiyon.

Ang mga na-repatriate na mga OFWs ay nakatanggap ng P5,000 sa Pangulo at P5,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with