^

PSN Showbiz

Dennis wala sa plano ang kasal!

BUSINESS AFTER BUSINESS - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Dennis wala sa plano ang kasal!
Dennis Trillo

Marami ang nasorpresa nang makita si Dennis Trillo sa bakuran ng ABS-CBN. Inisip tuloy ng mga nakakita sa kanya na baka siya ‘yung nababalitang pinakahuling Kapuso na magiging Kapamilya muli. Kung sabagay dati nang taga-ABS-CBN ang maga­ling at premyadong aktor, pero sa GMA siya tala­gang nakilala at nagtagal.

Pero hindi paglipat ang intensyon ni Dennis kaya siya nasa ABS-CBN. May guesting siya sa Tonight With Boy Abunda para sa promosyon ng Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend?! kasama ang kapwa niya Kapuso na si Paolo Ballesteros at si Anne Curtis. Kapuri-puri na pinayagan siyang lumabas ng GMA sa kalabang istasyon gayung hindi naman siya maliit na artista ng network. Kapuso siya at pinakamaga­ling na artista ng network.

Walang inamin si Dennis tungkol kay Jennylyn Mercado maliban sa ito ang nagbibigay ng balanse sa buhay niya at nagsisilbing inspirasyon. Pero ang pinakahihintay na pagpapakasal nila ay sinabi n­iyang hindi pa nila naiisip o napag-uusapan.

KC papakasal na lang kay Aly?!

Sa halip na mapatotohanan ang balitang nagkahiwalay na sina KC Concepcion at ang boyfriend niyang si Aly Borromeo ay kasalan ang umiinit na balita tungkol sa kanila. Wonder kung masaya sa balitang ito si Megastar Sharon Cuneta na bagaman at boto sa dyowa ng pa­nganay niya ay hindi sinasabi kung payag na siyang mag-asawa ito. Pero nasa hustong gulang na si KC to decide for herself kung gusto niyang lumagay na sa tahimik. Hindi na siguro siya masyadong magkakaproblema dahil hindi naman siya gaanong aktibo sa kanyang showbiz career at may kapatid na siya na nagtatangkang sumunod sa kanila ni Sharon, si Frankie Pangilinan.

AiAi idinadamay sina Dingdong at Marian sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos

Patuloy ang paghanga ko kay AiAi delas Alas dahil panangatawanan niya ang pagpu-promote ng Catholic faith. It’s about time na mayroon namang celebrity na mangalaga sa pagpapalaganap ng mga salita at aral ng Diyos.

Hihingan ni AiAi ang tulong ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kanyang adbokasiya. Dati si Christopher de Leon ang aktibo rito at ang paring si Sonny Ramirez ng grupong Oasis of Love. Magtulung-tulong na lang sana sila para mas mapalaganap pa hindi lamang ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga catechetical programs kundi ang pagmamahala nito sa tao.

Sawsaw pa more? Maja ayaw maniwala sa balikan nina John Lloyd at Angelica

I’m sure malalagay na naman sa alanganin si Maja Salvador sa pagsasabing walang balikan na naganap sa pagitan nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Siguradong hindi ito magugustuhan ni Angelica at umasa si Maja na makakatikim ng pagmamaldita kapag nagkaroon ng pagkakataon. Sana, huwag na lang magsalita ni Maja at ha­yaan na lang ang publiko sa kanilang paniniwala, totoo man ito o hindi.

Vic del Rosario tatanggap ng Levi Celerio Award

Malugod na inihahandog ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang Star For MTV Awards: The Fusion Of Philippine Entertainment’s Best sa isang Gabi Ng Parangal as 8th PMPC Star Awards For Music pays tribute to the 30th PMPC Star Awards For Television. Gaganapin ito sa ika-23 ng Oktubre, 2016, 6:00 p.m., sa Monet Grand Ballroom, Novotel Manila, Araneta Center, Quezon City.

Sa 8th PMPC Star Awards For Music, tatanggapin ng beteranang mang-aawit na si Dulce ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award at ang Parangal Levi Celerio ay ipagkakaloob sa record and movie producer na si Vic del Rosario. Sa 30th PMPC Star Awards For Television, tatanggapin ni Diamond Star Maricel Soriano ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award at ang Excellence In Broadcasting Lifetime Achievement Award ay ipagkakaloob sa mahusay na broadcaster na si Luchi Cruz Valdes. Sina Kim Chiu at Xian Lim naman ang napili para sa German Moreno Power Tandem Of The Year. 

Mapapanood ang kabuuan ng programa sa ABS-CBN Sunday’s Best sa ika-20 ng Nobyembre, 2016.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with