^

Bansa

22 ‘tulak’ ng droga, timbog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang nasa 22 na ‘tulak’ umano ng mga iligal na droga, makaraang ikasa na mga otoridad ang magkakahiwalay na drug-bust ope­ration sa Central Luzon nitong Biyernes.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Chief Supt.Amador Corpus, kabilang sa mga nasakote ay siyam na drug pushers sa Bulacan na sina Rogelio Nacional alyas ‘Bonggi’; Renato Jimenez, Alberto Valdez; Abubacar Maca­bidar; pawang ng Brgy. Gumaoc West, San Jose del Monte City; Rufino Caganda ng Pandi, Bulacan; Abigail Francisco alyas ‘Abby’ ng Obando, Bulacan; Nasib Patumanong, Melody Garcia at Leonard Jaranilla, pawang ng Baliwag, Bulacan.

Ayon kay Corpus, pito namang drug pushers ang nasakote sa lalawigan ng Pampanga; lima sa Nueva Ecija  at isa sa Subic, Zambales.

Nasamsam mula sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang mga nasakoteng suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with