^

Bansa

Integrated Terminal Exchange, sisimulan nang itayo sa Taguig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang sa taong 2020 ay posibleng maramdaman ang pagluwag ng EDSA  at sa iba pang pangunahing lansangan ng Metro Manila  dahil sa hindi na makikita rito ang nasa 4,000 provincial buses na biyaheng katimugan dahil  uumpisahan nang gawin ang modernong terminal  o ang Integrated Terminal Exchange (ITX) sa lungsod ng Taguig.

Kahapon ay isinagawa ang  ceremonial groundbreaking para sa  P5-billion terminal,  na pinangunahan ni  Department of Transportation Secretary Arthur Tugade at pamahalaang lungsod ng Taguig.

Nabatid na sa kalagitnaan ng taon 2018 ay si­simulan na ang konstruksiyon para sa anim palapag na gusali  ng ITX at ang  Ayala Land Inc .ang siyang magtatayo nito.

Kung saan magiging   centralized ang ticketing area nito at dito na rin makikita  ang ilang  business at  retail establishments.

Ang naturang modernong terminal ay itatayo sa loob ng  5.6 ektarya ng  Food Terminal Inc. (FTI) compound, sa Taguig City, na makaka- accommodate  ng nasa  160,000 bilang ng pasahero na manggagaling  at  papuntang South Luzon, Bicol, Visayas at Mindanao.

Kokonekta ito  sa Philippine National Railways’ FTI station at sa  Metro Manila Subway System para sa kombinyente ng mga ma­nanakay.

Sabi ni Taguig City  Mayor Lani Cayetano, nabatid na ang naturang terminal ay hindi aniya magiging congestion sa kanilang lungsod dahil magiging konektado ito sa Skyway na maglalagay ng on and off  ramp.

Inaasahan ng gobyerno, na kapag naitayo na ang naturang terminal, ang nasabing mga provincial buses, na nagmumula sa katimugan ay hindi na makikita sa EDSA at sa ilan pang pangunahing lansangan na kahit papaano aniya ay luluwag na ang Metro Manila sa trapik.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with