Año nangako ng tapat, mahusay na serbisyo
MANILA, Philippines — Nangako kahapon ang bagong talagang Officer-in-Charge ng Department of Interior and Local Government (DILG) at dating AFP Chief of Staff ret. Gen. Eduardo Año ng tapat at mahusay na serbisyo publiko.
Ito’y kasunod naman ng pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Año bilang bagong OIC ng DILG kapalit ng dating OIC nito na si Catalino Cuy na itinalaga naman bilang Chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB) na inianunsyo ng palasyo ng Malacañang.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Año si Pangulong Rodrigo Duterte sa tiwalang ipinagkaloob sa kaniya.
Kaugnay nito, welcome naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang appointment ng dating AFP Chief of Staff bilang Officer in Charge ng DILG dahilan naniniwala siya sa dedikasyon at propesyonalismo nito sa trabaho para mapaunlad pa ang ahensya.
Si Año ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1983 na nagretiro noong Oktubre 26 ng nakalipas na taon matapos ang mandatory age retirement sa gulang na 56.
- Latest