PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

15-araw na gun ban sa Metro Manila, Central Luzon sa ASEAN summit

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng pagtiyak ng seguridad, magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng 15-araw na gun ban sa Metro Manila at Central Luzon para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit.

Inaprubahan ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa ang rekomendasyon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde na suspendihin ang permit to carry firearms outside residence (PTCFOR) mula Nobyembre 1 hanggang 15.

Sakop din ng kautusan ang lalawigan ng Aurora, Bulacan, Bataan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija at Zambales.

Tiniyak naman ni Albayalde na paiigtingin pa nila ang seguridad ng bansa lalo na’t inaasahan ang kilos protesta sa ASEAN summit.

Sa kabila nito ay wala namang banta sa seguridad ng bansa, ayon pa sa NCRPO chief.

“Being the host country, our topmost concern is the safety and security of our ASEAN delegates. Hence, we are committed to make their short stay in the country as peaceful and safe as possible,” wika naman ni Interior and Local Government officer-in-charge Catalino Cuy.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nasa 200 delegado ang inaasahang darating sa bansa para sa apat na araw na summit, kabilang ang iba’t ibang pinuno ng mga karatig bansa.

Ilan sa pagdarausan ng summit ay gagawin sa Clark, Pampanga kaya naman nakiusap ang mga awtoridad sa mga motorista na iwasan ang pagdaan sa North Luzon Expressway at EDSA upang hindi maabala.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: