^

Bansa

Ex-solon kinasuhan sa 7 ghost projects

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matapos gamitin ang kaniyang pork barrel funds sa pitong ghost project sa pamamagitan ng pekeng foundation ay pormal ng sinampahan ng kaso sa Sandiganbayan si da­ting Misamis Occidental 1st District Rep. Marina Clarete.

Si Clarete ay kinasuhan ng 18 counts ng graft, pitong counts ng malversation at 11 counts ng complex crime of malversation dahil umano sa kickback na P62.63 milyon.

Nais naman ng Office of the Ombudsman na huwag payagang magpiyansa si Clarete sa kasong malversation. Aabot sa P820,000 ang piyansa sa kaso ng dating solon.

Inirekomenda rin ng Ombudsman ang “no bail” sa kasong malversation sa pamamagitan ng pamemeke ng dokumento laban kay dating Agriculture Secretary Arthur Yap na ngayon ay kongresista ng ikatlong distrito ng Bohol.

Si Yap ay nadawit sa isa sa pitong ghost projects ng kongresista at pinatawan ito ng dalawang counts ng graft at isa naman sa malversation of public funds. Aabot sa P100,000 ang itinakdang piyansa.

Kinasuhan ng Ombudsman si Clarete kaugnay ng pag-endorso sa Kabuhayan at Kalusugang Alay sa Masa Foundation Inc. para sa limang proyekto na pinondohan ng Priority Development Assistance Fund mula 2007-2009.

Hindi umano ito dumaan sa public bidding at ang nasabing foundation ay walang akreditasyon at hindi kuwalipikado para sa nasabing proyekto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with