^

Bansa

Passenger insurance claims hiniling na taasan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Napapanahon nang maitaas ang halaga ng insurance co­verage para sa mga pampasaherong sasakyan sa buong bansa upang umakma sa kasalukuyang estado ng pamumuhay sa bansa tulad ng mataas na mga bayarin sa serbisyo sa mga pagamutan, gamot at pangunahing bilihin.

Ito ayon kay Atty Ariel Inton, founding President ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ay dahil hindi na umano akma ang kasalukuyang insurance claims and benefits na nailalaan na seguro sa mga nabibiktima ng aksidente sa mga lansangan.

Sa ngayon, umaabot lamang sa P200,000 ang nakukuhang death claims sa insurance ng bawat nasawi sa alinmang vehicular accident at  P20,000 lamang ang claims sa mga nasusugatan sa aksidente sa lansangan.

Hiniling din ni Inton na busisiin ng pamahalaan ang pagkakaroon ng “auto passenger insurance” ng mga colorum na TNVS na Uber at Grab car gayong mga private cars ang mga ito na namamasada nang walang provisional authority.

Iginiit din ni Inton sa Department of Transportation na pag-aralan ang maximum seating capacity ng mga pampasaherong sasakyan upang higit na mapangalagaan ang buhay ng mga pasahero nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with