^

Bansa

Matanserong wanted swak sa selda

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Swak sa selda ang 40-anyos na matansero na sinasabing may tatlong kasong kriminal makaraang masakote ng mga pulis sa anti-drug ope­ration sa Barangay Bala­sing, bayan ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa.

Kasalukuyan ng nakade­tine ang suspek na si Joseph Sancho, matansero, tubong Daet, Camarines Sur at nakatira sa Brgy. Balasing sa nasabing bayan.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Ra­niel Valones, inilatag ang buy-bust operation laban sa suspek dahil sa patuloy parin ito sa drug trade.

Hindi na nakapalag ang suspek nang masakote ng mga pulis kung saan nakumpiska ang pitong plastic sachet na shabu at ang P500 marked money.

Sa tala ng regional intelligence office at lokal na warrant section, si Sancho ay may nakabimbing kasong rape, qualified statutory rape at R.A. 7610 sa sala ni Judge Victoria Fernandez-Bernardo ng RTC Branch 18 sa Malolos City, Bulacan at walang inirekomendang piyansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with