^

Bansa

Comelec Chairman Bautista di naman pinagbibitiw

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng ilang commisioner ng  Commission on Elections (Comelec) na hindi nila pinagbibitiw sa puwesto si Chairman Andres Bautista kahit may inilabas silang memorandum  na kumukuwestiyon sa discord o istilo ng kaniyang  pamumuno.

Sinabi ni Comelec Commissioner Christian Robert Lim, kung magbibitiw si Bautista ay tiyak na maaapektuhan ang ginagawa nilang paghahanda para sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Oktubre.

Paliwanag niya, ang gusto lamang nilang mang­yari ay magkaroon ng dayalogo sa pagitan nilang mga Comelec officials upang maisaayos ang ilang mga isyu sa loob ng poll body.

Umaasa rin aniya sila na hindi pepersonalin ni Bautista ang kanilang inilabas na memorandum laban  sa kanya.

Matatandaang naglabas ng memo ang  anim na Comelec commissioners na kinabibilangan nina Lim, Luie Tito Guia, Rowena Guanzon, Al Perreño, Arthur Lim at Sheriff Abas.

Isyu sa nasabing memo ang pagkuwestiyon sa patuloy na pagkaantala ng allowance ng mga election officers na nagtrabaho noong May 9, 2016 national and local elections.

Una naman sinabi ni Bautista na hindi personal sa kanya ang naturang isyu at nangakong makikipagpulong siya sa mga kasamahang poll officials sa kanyang pagbabalik sa bansa. kasalukuyang nasa Japan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with