Dating Miss Earth contestant kabilang sa security detail ni Duterte
MANILA, Philippines – Isang dating kalahok sa Miss Earth Philippines ang kabilang sa magtitiyak ng seguridad ni incoming president Rodrigo Duterte.
Sa ulat ng GMA News, nakipagpulong na kay Duterte si Philippine National Police Inspector Sofia Loren Deliu nitong Linggo.
Nakilala si Deliu nitong nakaraang taon dahil sa kaniyang kagandahan at pagsali sa Miss Earth habang siya ay isang pulis.
Napag-usapan pa lalo ang pagsali ni Deliu matapos katawanin ni PO2 Niel Perez ang Pilipinas sa Mister International na ginanap sa Seoul Korea.
Dati nang sumali sa Miss Teen Philippines si Deliu noong 2006 habang noong 2008 naman ay sinubukan din niya ang Miss Baguio.
Nagtapos ng BS Tourism si Deliu bago pumasok sa PNP Academy.
- Latest