^

Bansa

3 pinatay sa pinyahan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao ang napatay sa naganap na pamamaril sa plantasyon ng pinya sa Sitio Toledo, Barangay Tubi-Ala sa bayan ng Surallah, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ang mga napatay na sina Renato Bentibano Bucane, 21; Jake Romualdo Bendecio, 30, kapwa kawani ng Dole Philippines; at si Ronel Abordo, magsasaka, ng Mlang, North Cotabato. Sa ulat ng Surallah PNP, nag-iinuman sina Bucane at Bendecio sa bahay ng kanilang lolo nang lapitan at ratratin ni Abordo saka tumakas. Gayunman, hinabol naman ng dalawang kamag-anak ng mga biktima si Abordo at nang makorner ay pinagsasaksak at binaril sa ulo hanggang sa mapatay. Narekober kay Abordo ang cal. 38 revolver at mga bala.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with