Balik-bitay tiniyak
MANILA, Philippines – Inaasahan na magkakaroon ng mainit na debate matapos planong buhayin ni presumptive President Rodrigo Duterte ang death penalty sa kanyang pag-upo.
Ayon kay Sen. Koko Pimentel, marami ang posibleng humarang sa planong ito ni Mayor Duterte na buhayin ang death penalty bilang panakot sa mga kriminal.
Aniya, malamang na harangin ng Simbahang Katoliko ang planong pagbuhay sa death penalty law.
“Wala na kasing natatakot sa batas kaya sa pagbuhay ng Duterte government sa death penalty ay marami ang matatakot lalo’ t kilala sa pagiging tough na lider ni Duterte,” wika ni Pimentel.
“Reviving the death penalty will not be smooth sailing. I am sure dito sa Duterte administration, babalik tayo sa debate sa re-imposition ng death penalty, in the meantime meron tayong existing na batas, i-enforce na lang yun,” wika pa ni Pimentel.
- Latest





















