^

Bansa

Vote buying sa Marikina

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling kahapon ng mga opisyales ng Marikina City kay DSWD Dinky Soliman na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa napaulat na ginagamit ng isang politiko ang cash-for-work program para makuha ng boto sa dara­ting na eleksyon.

 Ayon sa mga opisyales  mismong sa  district office ni Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro sa Brgy. San Roque  umano’y  ipinamamahagi ang  salapi na bahagi ng programa ng gobyerno. Last termer na mambabatas si Teodoro at tumatakbong alkalde kalaban si incumbent Mayor Del de Guzman, ng Liberal Party.

 Sinabi ni Jean Cabang, 47,  ng Shoe Ave., Brgy. Concepcion Uno kasing haba  ng pila ng mga stranded na pasahero ng LRT at MRT ang pila tuwing gabi sa tapat ng opisina ni Teodoro sa C. Cruz St. sa nasabing barangay.   Pinatotoo ni Concepcion Uno Brgy. Chairman Gerry Sto. Domingo ang rebelasyon ni Cabang na nagkakaroon ng mahabang pila at “matinding abutan” sa kanyang nasasakupan .

 “Ang ginagawa ni Teodoro ay labag sa election code dahil isa na itong alleged vote buying dahil baket paano na punta sa kanya ang milyong pondo ng DSWD samantalang isa siyang mambabatas,” ayon kay Sto. Domingo.

 Dagdag pa ng barangay chairman, habang papalapit ang eleksyon, tumitindi pa lalo ang bigayan ng DSWD assistance mula sa opisina ni Teodoro hindi lang sa district 1 pati na rin sa district dahil 20 percent lang ang kanyang acceptance sa mga kasalukuyang survey. Sa halip na P4,000, P1,800 lamang ang natatanggap ng mga beneficiaries sa lungsod mula cash-for-work program ng DSWD .

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with