^

Bansa

2 dagdag na taon sa termino ng barangay officials ipupursige ni Castelo

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng House Committee on Local Government ang panukala ni Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo para madagdagan ng dalawang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay sa bansa.

Sumang-ayon ang komite na ang House Bill 188 ni Castelo ay paraan upang ang mga hakbang ng pamahalaan ay maging epektibo, tumutugon, at agaran sa maraming suliranin ng mga barangay at sa mga kinasasakupan nito.

At dahil nasa recess na ang Kongreso, sinabi ni Castelo na kanyang bibigyang prayoridad  ang naturang panukalang batas sa susunod na Congress. Umaasa si Castelo na bibilis ang paggalaw ng kanyang bill sa pagpapatuloy ng sesyon ng House of Representatives sa Hunyo.

Isinusulong ni Castelo ang pagsasabatas ng HB 188 dahil pakikinabangan ito ng mga maraming Pilipino na humihi­ling ng mas mabungang local government units (LGUs). Sa ilalim ng panukalang batas, dalawang taon ang idadagdag sa termino ng mga barangay official  upang matapos nila ang pagpapatupad ng kanilang mga plano, programa, proyekto at mga gawain para sa mga mamamayan.

Nauna nang sinabi ni Castelo na hindi sapat ang tatlong taon upang maisagawa ng mga barangay official ang kanilang misyon sa komunidad. Alam ito ni Castelo dahil matagal siyang nakipag-ugnayan sa mga barangay official nuong siya ay naninilbihan pa bilang  nangungunang konsehal sa Quezon City.

Ipinaliwanang ni Castelo na ang kasalukuyang termino ng mga barangay official ay kulang upang matumbok nila ang halaga, layunin at epekto na kanilang serbisyo sa taumbayan.

Bukod pa rito, sinabi ni Castelo na layunin ng kanyang panukalang batas na makaipon ang national government at matugunan ang mga masalimuot na probisyon ng Reformed SK Law.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with