^

Bansa

‘Problema’ ng PCSO hiling ayusin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang concerned group kay Philippine Charity Sweepstakes Office Chairman Ayong Maliksi na ayusin ang sinasabi niyang panloob na problema ng PCSO.

Sinabi ni Filipino Alliance for Transparency and Empowerment Benjamin Peralta na may mga benepisyaryo umano ang lumapit sa FATE upang humingi ng tulong para alamin ang tunay na kundisyon ng PCSO dahil sa nangangamba na hindi nila makuha ang hinihi­ling nilang medical assis­tance na ayon kay Maliksi ay wala na umanong pondo.

Bukod pa rito na na­dedemoralisa na ang mga social workers na kaagapay ng PCSO sa mga pagamutan.

Sa pagsisiyasat naman umano ng FATE, patuloy naman ang pondo ng PCSO dahil sa umiikot lamang ang pera buhat sa patuloy na pagtangkilik ng mga mananaya sa Lotto at maging sa Small Town Lottery (STL).

Sa pagtatanong din ng grupo, wala namang umiiral na “preferential treatment” sa mga pasyente na nakaratay sa mga mamahaling pagamutan.

Napag-alaman na inaaprubahan umano ng PCSO ang mga medical assistance sa naturang mga pagamutan dahil sa uri ng sakit na tanging ang mga ito lamang ang may kakayahan na gumamot base sa teknolohiya habang ang ilan ay nasa isolation room depende rin sa uri ng sakit ng pasyente.

Ang Meridien Vista Gaming Corporation na nagpapatakbo rin ng ilang uri ng sugal sa mga lalawigan na may STL ay pag-aari umano ni Atong Ang.

Sinabi ni Peralta na umaasa sila at mga lumalapit sa PCSO na mareresolba ni Maliksi ang gusot sa kanyang kapasidad bilang chairman at hindi na madudungisan ang imahe ng ahensya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG MERIDIEN VISTA GAMING CORPORATION

ATONG ANG

FILIPINO ALLIANCE

MALIKSI

MGA

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE CHAIRMAN AYONG MALIKSI

SINABI

SMALL TOWN LOTTERY

TRANSPARENCY AND EMPOWERMENT BENJAMIN PERALTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with