^

Bansa

Pinoy kumasa sa Syrian rebels

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsimula na nitong Sabado ng umaga ang umaatikabong palitan ng putok sa pagitan ng AFP peacekeepers at umaatakeng Syrian rebels sa Golan Heights.

“We are under attack (Golan Heights), our peacekeepers are exchanging fire with Syrian rebels,” pahayag ni Defense Secretary Voltaire Gazmin.

Sa impormasyong nakarating kay Gazmin, alas-11 ng umaga oras sa Pilipinas ay inatake ng Syrian rebels ang Position 69 at Position 68 na binabantayan ng 75 Pinoy contingent na nagawa namang labanan ng mga Pilipino.

Sinasabing nakapull-out na ang nasa 35 Pinoy peacekeepers mula sa Position 69.

Gayunman, patuloy pa rin ang bakbakan sa Position 68.

Una rito, inihayag ni Col. Roberto Ancan, commander ng Peacekeeping Operations Center na handa silang gumamit ng ‘deadly force’ at makipagbarilan sa Syrian rebels upang idepensa ang pasilidad ng United Nations na binabantayan ng mga sundalong Pinoy.

Nitong Biyernes ay nagbigay ng ultimatum ang Syrian rebels sa 75 AFP peacekeepers na isurender ang kanilang mga armas pero hindi pumayag ang mga Pinoy sa pangambang ma-hostage. 

Ayon kay Lt. Col. Ra­mon Zagala, walang napaulat na nasaktan o nasawi sa hanay ng mga Pinoy.

Agad naman nagsagawa ng ‘emergency meeting’ sina Gazmin, AFP Chief Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., at mga service commanders ng Army, Navy at Air Force sa Camp Aguinaldo.

Nanindigan rin ang Pinoy peacekeepers na lalaban sila at hindi basta isusuko ang kanilang mga armas sa Syrian rebels na bumihag sa 43 Fijian forces matapos na isurender ang kanilang mga baril nang palibutan ng mga rebelde.

Sa kasalukuyan ay nagpapalitan pa rin ng putok ang tropa ng Phl peacekeepers at ang nakapalibot na Syrian rebels.

“There is a firefight, negotiations are ongoing, right now our concern is the safety of our peacekeepers,” ani Zagala.

Patuloy rin ang monitoring ng mga opisyal at inaalam pa kung may casualty na sa tropang Pinoy sa Golan Heights na itinuturing na ‘area of separation’ na tensyonado dahil pinag-aagawan ito ng pamahalaan ng Syria at Israel.

Nasa 332 ang AFP peacekeepers sa Golan Heights na umalis sa bansa noong Nobyembre 2013 at nakatakda na sanang umuwi ngayong Oktubre.

vuukle comment

AIR FORCE

CAMP AGUINALDO

CHIEF GEN

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

GAZMIN

GOLAN HEIGHTS

PEACEKEEPERS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with