^

Bansa

Ex-FG Arroyo pinayagan mag-abroad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayagan ng  Sandiganbayan ang kahilingan ni dating first gentleman Mike Arroyo na makapunta sa Europa.

Si Mr. Arroyo ay pupunta ng Germany at iba pang bansa sa Europa upang magbakasyon kasama ang kanyang mga kapamilya mula Setyembre 21 hanggang Oktubre 10, 2014.

Bagamat ang bagay na ito ay tinutulan ng prosekusyon, wala namang naibigay na pagtutol para rito ang Sandiganbayan 5th division.

Paliwanag ng pro­sekusyon, hindi detalyado ang biyahe ni Arroyo at hindi rin sinabi kung ano talaga ang pakay ng pagtungo nito sa Europa.

Bukod sa biyaheng Europa, ginigiit din ng kampo ni Arroyo sa pamamagitan ni Atty. Ferdinand Topacio  na magsusumite rin sila ng hiwalay na mosyon para naman sa hirit na pagpunta sa Japan at Hong Kong sa Oktubre 25.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong graft  sa Sandiganbayan dahil sa umano’y maanomal­yang  pagbebenta ng segunda manong helikopter sa PNP na binayaran ng pamahalaan bilang brand new noong panahon ng kanyang asawa na si dating Pangulong Gloria Arroyo.

vuukle comment

ARROYO

FERDINAND TOPACIO

HONG KONG

MIKE ARROYO

MR. ARROYO

OKTUBRE

PANGULONG GLORIA ARROYO

SANDIGANBAYAN

SI ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with