^

PSN Opinyon

Matibay na ebidensiya

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PINRESENTA ng NBI ang isa sa umanong nagbenta ng droga sa Close Up Forever Summer concert sa Mall of Asia noong isang linggo. May video ng nasabing concert sa kanyang cellphone, patunay na nandoon nga siya. May mga litrato rin ng mga brown envelopes para sa mga nag-order na umano ng mga droga. Itinanggi niya na nagbenta siya ng droga sa concert, pero may nagsalita na isa siya sa mga nagbenta ng droga. Nagbigay naman ng siyam na pangalan ng mga umano’y pusher ng droga na nagbenta sa Mall of Asia, kaya pinagha­hanap na ngayon ng NBI. 

Dati na palang nahuli si Joshua Habalo dahil rin sa pagbenta ng iligal na droga, pero hindi siya kinasuhan. Nahuli siya sa isang club sa Pasay, matapos ang isang tip na natanggap ng mga otoridad. Sana nga nakikipagtulungan na ang mga nagpunta sa concert na iyan. Nang mahuli, may nakuhang mga brown envelope na naglalaman ng cocaine­, ecstacy at ang sinasabing Green Amore na droga na sanhi umano ng pagkamatay ng lima. Kung hindi pa ito matibay na ebidensiya laban sa kanya, ewan ko na.

Dapat mahuli na rin ang siyam na itinuro ni Habalo. Sana marami pa ang lumutang para tumulong sa paghahanap sa siyam na ito. Lahat sila may pananagutang malaki sa lipunan. Pero bukod sa mahuli itong mga ito, dapat malaman kung sino ang kanilang supplier ng iligal na droga­. Mas mahalaga mahuli ang pinanggagalingan ng droga. Sa ngayon, puro mga nagbebenta lang ang nahuhuli, at sa ilang kaso, napapatay. Hindi masusugpo ang problema ng droga kung hindi mahuhuli ang mga supplier nito. Kailangang mabuwag ang mga sindikato, hindi lang ang mga taga-benta.Para naman sa mga magulang na may mga anak na nagtungo sa nasabing concert, bantayang mabuti ang inyong anak. Alamin na ngayon pa lang kung gumagamit ng iligal na droga. Kung mag-positibo sa drug test, gawin na ang lahat para maging malaya na mula sa droga. Ipasok sa rehab kung kinakailangan. Maaaring masakit, pero mas masakit kung tuluyang malulong sa droga, o kaya maging biktima ng mga pumapatay ng tao sa labas ng batas, na tila nagsisimula na.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

TONI GONZAGA

WRITTEN IN OUR STARS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with