^

Dr. Love

Huwag pilitin ang ayaw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Suki na po ako ng column n’yo  na malaki ang naitutulong sa mga may love problems.

Kailangan ko po ng mahalaga ninyong payo. Tungkol ito sa aking babaeng nagugustuhan. Please call me Wacky, 18 years-old.

Nagkaroon ako ng classmate nung high school. Gustung-gusto ko po siya at talagang liligawan ko na siya pero ayaw niyang ilantad na may gusto siya sa akin.

After a while, natiyak ko na gusto ko siyang ligawan kaya lang ay naunahan na ako ng ibang lalaki. Sabi niya ay wala na raw akong pag-asa sa kanya.

Despite all of this, mahal ko pa rin siya at hindi makalimutan. Sa puso ko at isip ay laging naroon siya.

May magagawa pa kaya ako para mapasaakin siya? Parang gusto ko nang mamatay. Masyado akong depressed dahil sa nangyari.

Wacky

 

Dear Wacky

Baka naman sinusubukan ka lang ng babaeng gusto mo kung hanggang saan ka tatagal nang panliligaw sa kanya. May mga ganyang babae. Gustong pahirapan muna ang guy na nanliligaw.

Sinabihan ka lang na wala ka nang pag-asa ay tumigil ka na. Paano kung pagsubok lang ito? Don’t give up, wika nga.

Kung talagang hopeless ka na sa kanya, marami pang mga babae sa mundong ito, hindi lang siya. Go out, have fun at malay mo, makakakita ka ng babaeng higit ang qualities kaysa sa kanya.

Bata ka pa. Huwag masyadong seryoso. Kung gusto niya, eh ‘di very good. Kung ayaw talaga sa iyo, eh ‘di wow!

Dr. Love

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with