^

PSN Palaro

Eala impake na sa Ningbo Open

Pilipino Star Ngayon
Eala impake na sa Ningbo Open
Naghanda si Pinay tennis sensation Alex Eala s akanyang service kontra Diana Shnaider.

MANILA, Philippines — Hindi na nakasampa sa quarterfinal round si Pinay tennis sensation Alex Eala matapos ang 5-7, 4-6 kabiguan kay Diana Shnaider ng Russia sa Round of 16 ng 2026 Ningbo Open sa China kahapon.

Bigo ang World No. 20 na si Eala na maduplika ang nauna niyang 6-3, 6-1 pagsibak kay No. 34 Diane Parry ng France sa Round of 32 kung saan nabigyan ng first-round bye ang No. 13 na si Shnaider.

“Definitely, Alex is very dangerous and tough opponent, also left handed and a big hitter,” sabi ni Shnaider kay Eala matapos ang kanilang laro. “She steps in, she rips the ball. I knew it was going to be a tough one.”

Nauna nang napatalsik ang 21-anyos na Pinay ace sa Round of 64 ng nakaraang Wuhan Open at sa Round of 16 ng Singapore Tennis Open.

Nakuha ni Eala ang 4-3 bentahe sa first set bago naagaw ng 22-anyos na si Shnaider ang sumunod na dalawang laro para sa 5-4 abante.

Naitabla ni Eala ang laban sa 5-5, ngunit ipinakita ni Shnaider ang kanyang mas malawak na eksper­yensa para tuluyan nang angkinin ang first set, 7-5.

Naging matindi rin ang hatawan ng dalawang left-handed player sa second set kung saan muli silang nagtabla sa 4-4.

Hindi na nagpabaya si Shnaider, wagi ng limang WTA Tour singles titles mula 2024 hanggang 2025, para tapusin ang laro sa 6-4.

Nauna nang sinibak ng Russian netter si Kazakhs­tan’s Yulia Putintseva, 7-5, 7-6 (4), bago isinunod si Eala.

Sunod na lalabanan ni Shnaider sa quarterfinals ang best friend ni Eala na si American Iva Jovic na tumalo kay Jasmine Paolini, 6-4, 6-3.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with