^

Police Metro

Cainta motorcycle crash: 2 patay

Ludy ­Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang 2 katao sa dalawang naganap na aksidente sa motorsiklo nitong Sabado at Linggo sa Cainta, Rizal, ayon sa ulat ng pulisya.

Batay sa ulat ng pulisya, nitong Linggo ng alas-6:50 ng gabi nang tumilapon ang babaeng angkas sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang kuya na pumailalim pa at nakaladkad ng pampasaherong jeep na sumalpok sa kanila sa westbound lane ng Ortigas Avenue Extension, Barangay San Isidro, Cainta.

Idineklarang dead-on-arrival sa Cainta General Hospital dahil sa tinamong pinsala sa ulo.

Sa imbestigasyon, huminto ang motorsiklo sa pedestrian lane, na nasa inner lane para pagbigyan ang tumatawid nang biglang salpukin sila ng dyip na lumipat sa inner lane mula sa second lane.

Ang ikalawang aksidente ay naganap nitong Sabado ng alas-1:00 ng madaling araw sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue, Barangay San Roque, Cainta, Rizal na kung saan ay agad nasawi ang 21-anyos na lalaking rider nang siya ay matumba sa motorsiklo at masagasaan ng hulihang gulong ng truck,

Ayon sa ulat, dead-on- the spot ang biktima dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Nabatid na pauwi ang biktima mula sa pag­hahatid ng nobya nang mabangga nito ang tumawid na nagbibisikleta at nawalan ng balanse at tumumba sa kalsada at saktong pumasok ang bahagi ng ulo sa ilalim ng nakasabay na truck.

Batay sa imbestigas­yon, hindi na napansin ng driver ng truck ang hulihang bahagi dahil halos nakalampas na siya bago pa matumba ang rider.

Arestado naman ang driver ng truck na nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with