^

True Confessions

Dioscora (145)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

EKSAKTONG na­ta­­tapos ni JC ang mga proposal at suggestion sa isasaga­wang meeting ng kom­­panya nang may dumating siyang panauhin. Hindi siya makapaniwala nang makita ang nasa pinto—si Mr. Simon Pedro o SP.

“Magandang umaga Jose Crisanto!’’

Tumayo si JC at nagbigay galang sa matandang may-ari ng kompanya.

“Magandang umaga rin po, Sir.’’

“SP na lang o Tatay SP. Mas komportable ako sa tawag na Tatay SP kaysa Sir o bossing.’’

“Naiilang pa po kasi ako na tawagin kang SP.’’

“Tatay SP na lang ang itawag mo—huwag kang mailang.’’

“Opo Tatay SP. Ma­upo ka po.’’

Naupo si SP sa upu­ang nasa harap ng table ni JC.

“Kumusta naman ang unang araw sa trabaho?’’

“Katatapos ko lang pong gawin ang proposal na isusumite ko mamayang hapon sa meeting na gagawin.’’

“Good.’’

“Gusto mo ng coffee Tatay SP?’’

“No. Napadaan lang ako rito at gusto kong makita ang porma mo habang nasa opisina. Bagay na bagay ka talaga rito. Alam mo kapag nakakakita ako ng mga kabatatang katulad mo na nagsikap sa pag-aaral, naaalala ko ang aking anak na lalaki. Matalino rin siya at nagtapos na may karangalan. Kasama rin sa top ten ng board exams. Marami sana akong pangarap pero hindi natupad. Na­sa­yang lang ang mga pangarap ko sa kanya…’’ tumigil si SP sa pagsasalita at bumuntunghininga.

Naghihintay si JC nang mga susunod na sasabihin ni Tatay SP ukol sa anak nito.

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with