^

True Confessions

Suklam (88)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Makalipas ang ilang araw, may nakuhang impormasyon si Brent ukol kay Mara. Shock siya sa nalaman—may asawa pala si Mara! Nasa Saudi pala ang asawa nito. Wala pang anak.

Napailing-iling si Brent. Kaya pala ganun kasabik si Mara ay dahil nasa ibang bansa ang asawa nito. Sa kanya hinahanap ni Mara ang pagkasabik sa asawa. Kaya pala halos mabaliw-baliw ito sa ginagawa niya. Kaya pala ganun ito ka-“atat” na ulitin ang ginawa sa kanya. Ilang taon na kayang kasal sina Mara? Kaya pala, ramdam niya, hindi na “birhen” si Mara. “Dala na” pala at hindi dalaga.

Kung ganun, walang ipinagkaiba si Mara sa boss niyang si Vivian—pareho silang umiipot sa ulo ng kanilang asawa. Kawawang mga asawa!

Sa nalaman ukol kay Mara, naipangako ni Brent na iiwasan na talaga ang babae. Hindi na siya magpapatalo sa panunukso nito. Tama na ang nangyari sa kanila. Mabuti na lang at hindi pa sila humahatong sa pagtatalik—halikan at hipuan pa lang.

Pero habang nanga­ngako si Brent na hindi na makikipagmabutihan kay Mara, parang tukso na lu­malapit sa kanya. Isang araw, pinuntahan uli siya nito sa opisina.

(Itutuloy)

vuukle comment

MARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with