^

True Confessions

Kaibigan (209)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI kaya mataas ang BP mo, Lara,’’ nag-aalalang sabi ni Dex sa asawa matapos itong maiupo sa sopa.

“Hindi. Nagpa-BP ako kahapon at normal naman.’’

“Baka naman masyado kang napagod. Ang sipag mo kasi. Sa department n’yo ikaw lang yata ang maraming trabaho.’’

“Hindi naman. Lahat kami may kanya-kanyang trabaho.’’

“Ngayon mo lang ba na­ramdaman ‘yan?’’

“Kahapon nakaramdam­ ako ng hilo pero saglit lang. Nagpahinga lang ako at nawala na.’’

“Kapag hindi pa nawala ‘yan in 30 minutes, dadalhin na kita sa ospital. Wala namang bayad ang hospitalization natin dito.’’

“Baka mawala na ito mamaya-maya lang. Ipapahinga ko lang.’’

“Mabuti na lang at wala tayong pasok ngayon—dayoff natin. Magpahinga ka na at ako ang magluluto ng breakfast natin.’’

“Kaya mo, Dex?’’

“Oo naman. Fried egg, crispy corned beef at sina­ngag na kanin lang naman ang iluluto ko. Yakang-yaka!’’

Napangiti si Lara habang nakahilata sa malambot na sopa.

“Tapos may mainit na kape. Sarap!’’

“Natatakam na ako Dex. Sige magluto ka na.’’

“Magpahinga ka lang di­yan at magluluto na ako. Da­dalhan na lang kita rito. Wala nang alisan sa puwesto.’’

“Para namang maysakit ako.’’

“Basta huwag ka nang aalis at sisilbihan kita.’’

“Opo Sir. Ang bait talaga ng asawa ko.’’

“Sige diyan ka lang.’’

Umalis si Dex at nagluto ng agahan.

Nang maluto ay dinala ang pagkain sa salas at dun sila kumaing mag-asawa.

“Ang sarap ng crispy corned beef, Dex. Spicy pa ha?’’

“Oo. ‘Yan lagi ang luto ko sa Pinas nun. Na-master ko ‘yan.’’

“Ang dami kong nakain, Dex.’’

 

KINABUKASAN, nahi­hilo pa at naduduwal pa si Lara. Nagpa-check-up na sa ospital. Sinuri. Wala na­mang nakita. Normal lahat.

Hanggang isuhestiyon ni Dex na mag-pregnancy test si Lara. Ginawa iyon. At tuwang-tuwa sila sa naging resulta: dalawang buwang buntis si Lara.

Nagtatalon sa tuwa si Dex.

“Magiging daddy na ako! Yahoo!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with