^

True Confessions

Huling Eba Sa Paraiso (55)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Hindi po kaya dahil sa may-aring Intsik na kung makatingin sa kanya ay para siyang hinu­hubaran? Hindi po kaya yun ang dahilan Lola kaya umiiiyak si Marianne kung gabi?’’ tanong ni Drew.

“’Yan din ang naisip ko Drew. At natatakot ako. Baka kung ano ang mang­yari sa kanya kung ‘yun nga ang dahilan.’’

“Sana ay mapilit mong magtapat si Marianne, Lola.’’

“Ganyan nga ang ginagawa ko, Drew.’’

“Paano po ang gaga­win mo Lola kung sabihin ni Marianne na ang may-aring Intsik nga ang dahilan kaya siya umiyak.’’

“Hindi ko na siya papa­yagang magpunta sa restaurant. Kahit pa anong mangyari. Mapapahamak siya!’’

“Tama po Lola. Hindi na siya dapat magtungo roon.’’

“Sana naman ay mali ang hinala ko. Natatakot ako Drew na may mangyari sa apo ko.’’

“Pilitin mo siyang magtapat kung ano ang problema at laging umiiyak.’’

“Sige Drew. Salamat sa payo mo.’’

“Siyanga po pala, pagbalik ko rito, sasabihin ko sa iyo kung kailan maipatse-checkup ang mga mata mo. Huwag kang mainip Lola.’’

“Salamat Drew. Hulog ka ng Diyos sa amin ni Marianne.’’

“Huwag ka munang mag­pasalamat, Lola. At ipaaalala ko lang uli na huwag mo munang masasabi kay Ma­rianne ang ginagawa kong pagtulong. Gusto ko maging lihim ito.’’

“Oo Drew. Hindi malalaman ni Marianne ang gina­gawa mo sa aking tulong.’’

“Salamat po.’’

Bago nagpaalam si Drew, muli niyang inabutan ng perang tulong si Lola.

 

ANG balak ni Drew na pagpapagamot sa mga mata ni Lola ay sinabi niya kay Tikoy.

‘‘Paano kaya natin ma­ipapagamot si Lola, Tikoy na hindi malalaman ni Ma­rianne na ako ang gumagawa?’’

‘‘Madali lang ‘yan, e ‘di ako mangangasiwa sa pagpapagamot. Sasabi­hin ko mula sa isang tao na ayaw magpakilala.’’

‘‘Paano tayo kokontak ng doktor para maipagamot si Lola?’’

‘‘Ako ang bahala, Kuya.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

HALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with