^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (13)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

EKSAKTONG alas singko ng umaga bumangon si Dado. Bibili uli siya ng pandesal para almusalin. Bukod dun, baka matiyempuhan na niya ang babae sa silong na bumibili rin ng pandesal. Kahapon ay na­bi­go siyang abutan sa bakery ang babae. O baka naman talagang hindi bumili ng pandesal kahapon. Ngayon ay malalaman niya. Kasalanan ng babae kung bakit na-challenged siya – tingin ni Dado, pinagsupladahan siya. Gusto lang naman niyang makipagkilala at makipagkaibigan. Sino pa ba naman­ ang magbabatian kundi ang mga nangungupahan sa iisang apartment. ‘Yun ngang mag-asawang dating nangungupahan sa silong ay kabatian niya. Kapag naki­kita niya ang mag-asawa kapag papasok siya sa opisina sa umaga ay nagbabatian sila. Kaya ngayon ay naging­ ha­mon sa kanya ang bagong nangu­ngupahan.

Lumabas ng apartment si Dado. Madilim pa ang alas singko. Mabuti na lang at maliwanag ang ilaw sa poste kaya kitang-kita niya kung may mga bumibili na sa bakery.

Nasiyahan si Dado sa nakita. Nasa bakery na ang babae at bumibili ng pandesal. Tiyempo!

Nagmamadali si Dado sa pagtawid sa kalsada. Pagkakataon na para makipagkilala sa babaing nangungupahan sa silong. Ngayon niya mala­laman kung talagang isnab o suplada ang babae.

Lumapit siya sa babae. Hinihintay ng babae ang bi­ni­biling pandesal.

“Good morning, ako ‘yung nakatira sa taas,” sabi ni Dado.

Hindi sumagot ang babae at sa pagkabigla ni Dado, nang abutin nito ang supot ng pandesal mula sa tindero ay nagmamadaling umalis. Nagtatakbo sa pagtawid sa kalsada.

Naiwang nagtataka si Dado.

“Anong nangyari sa ba­baing ‘yun?’’ tanong niya sa tindero ng pandesal.

“Baka maeebs kaya nag­mamadali, he-he-he!’’

“May nasabi ba akong masama?’’

“Maeebs nga, ikaw naman.’’

“Lagi bang bumibili rito ‘yun?’’ tanong ni Dado.

“Hindi araw-araw.’’

“Bakit kaya nagtatakbo? Misteryosa talaga.’’

Nagtawa na lamang ang tindero.

“Pabili na nga lang ng pandesal, parekoy,’’ sabi ni Dado.

“Magkano.’’

“Sampung piso. ‘Yung medyo tustado ha?’’ (Itutuloy) 

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with