^

True Confessions

Sadiq (79)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TAMANG-TAMA ang pag­balik ni Sadiq sa pinaghihintayan niya kay Gina sapagkat tapos na ang chemo session ng asawa. Eksaktong dalawang oras siyang nagdasal sa chapel.

“Kumusta ang chemo session, Mommy?’’

“Okey naman, Daddy. Medyo nanlalambot lang ako. Parang nanghihina ako.’’

“Nagugutom ka?’’

“Hindi.’’

“Ba’t kaya nanghihina ka?’’

“Hindi ko alam, Daddy.’’

“Gusto mo pa-confine ka na rito?’’

“Hindi, Daddy. Pagod lang siguro ito. Umuwi na lang tayo.’’

“Sige, mag-taxi na tayo para makapahinga ka.’’

Mabilis silang naka­kuha ng taxi.

Habang nasa taksi sila, wala silang imikan. Parang inaantok si Gina. Nakahilig ang ulo sa balikat ni Sadiq.

Naaawa si Sadiq sa asawa. Muli siyang nagdasal na dinggin ng Diyos ang dalangin niya na gumaling na ang asawa. Tulungan mo ang asawa ko Diyos ko!

Nang makarating sila sa bahay, natulog si Gina. Si Sadiq naman ay nag­handa ng pagkain nila. Paggising ni Gina, si­guro’y gutom na ito. Ngayon lamang nangyari na masyadong nanghina si Gina. Sa mga nakaraang chemo session ay masigla ito nagkukuwentuhan pa sila habang pauwi. Bakit parang lantang-lanta ang asawa.

Ayaw mag-isip nang masama si Sadiq. Pa­wang positibo ang ini­isip niya. Alam niya, tutulungan siya ng Diyos. Diringgin ang dalangin niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with