^

True Confessions

May isang Pangit (78)

- Ronnie M. Halos -

HINDI natupad ang balak na holiday nina Tibur at Alice sa Pilipinas sapagkat isa pang negosyo ang binuksan ni George (bayaw ni Alice). Binuksan ang gawaan ng apple at berry juice na si Alice at Tibur ang ilan sa nagpapatakbo. Wala silang magawa kundi ipagpaliban ang pagbabakasyon. Kahit atat na atat na si Alice na makadalaw sa mga kamag-anak sa Pilipinas, mas kailangan ang trabaho.

“Darating din si-guro ang araw na matutuloy tayo sa Pinas, Alice.”

“Tiyak na hihinta-yin tayo nina Tiya Encar.”

“Tatawagan ko na lang si Torn at ipalili-wanag ko kung bakit hindi tayo natuloy. Sa­bagay hindi naman ako nagsabing sigurado na ang pag-uwi natin.’’

“Mabuti nang malaman nila na nagbago ang ating plano, Tibur. Ipaliwanag mong mabuti.’’

Ganun nga ang ginawa ni Tibur. Tinawagan si Torn.

“Hindi kami natuloy dahil sa bagong business na itinayo. Pakisabi sa Itay at Inay mo. Hindi na muna kami magsasabi kung kailan uuwi at baka mapalpak na naman.’’

‘‘Sasabihin ko Kuya Tibur. Maiintindihan naman sigurado kayo ni Inay.’’

“Masyadong busy kami, Torn. Pero okey naman dahil masaya kami sa trabaho. Sabi nga pala ni Ate Alice, kaysa magtungo ka sa Saudi para makakuha ng experience, dito ka na lang sa Brisbane mag-apply. Madali kang magkakaroon ng opportunity dito. Nakikita ni Ate Alice mo na may maganda kang hinaharap. Nakikita niya na responsible ka.’’

“Sabihin mo kay Ate Alice, salamat. Gusto kong diyan na nga magtungo pagka-graduate ko.’’

“Tama ang plano mo. Sige at sasabihin ko kay Alice.’’

“Ga-graduate na ako next year Kuya. Baka may honor ako. Tapos kukuha ako ng board.”’

“Galingan mo, Torn.” (Itutuloy)

vuukle comment

ALICE

ATE ALICE

INAY

KUYA TIBUR

NAKIKITA

PILIPINAS

TIBUR

TIYA ENCAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with