^

True Confessions

May Isang Pangit(77)

- Ronnie M. Halos -

HABANG nasa eroplano si Tibur, naisip niya ang mga ginawang tulong sa mag-anak ni Tiya Encar. Kakaiba talaga ang nararamdaman kapag nakagawa ng tulong sa kapwa. Nasisiguro niyang magkakaroon nang magandang bukas ang mag-anak. Makakatikim din sila nang magaan na buhay. Katulad niya, dumanas din nang matinding hirap sina Tiya Encar at Tiyo Nado noon. Natatandaan niya nang magkaroon ng tagtuyot noon. Walang naani ang mga magsasaka dahil natuyo ang bukid. Wala ring makuhang saging, kamote o tugi dahil nalanta sa kasalatan ng ulan.

Hindi na matandaan ni Tibur kung paano nila nalampasan ang kahirapang iyon. Basta ang alam niya, humihinga pa rin sila. Pero hindi niya nakitaan nang pagsuko sina Tiya Encar at Tiyo Nado. Basta buhay may pag-asa. Malaki rin ang impluwensiya ng mag-asawa sa kanya kung paano maging matatag. Kaya nga ba ngayong siya na ang nakakaluwag, buhos ang tulong niya sa mga ito.

Nang malaman ni Alice na naisagawa lahat ni Tibur ang mga plano para kina Tiya Encar, masayang-masaya ito.

‘‘Sinabi mo ba na sunod mong pag-uwi ay sasama na ako sa iyo.’’

“Oo. Gustung-gusto kang makita ni Tiya Encar at Tiyo Nado. Siguro raw ang ganda-ganda mo. Hindi man lang daw ako nagdala ng picture mo.’’

‘‘Mabuti nga at wala kang dalang picture para masorpresa sila kapag nakita ako.’’

“Sabi ni Tiya Encar, hi­hintayin nila ang pagbabakasyon natin.’’

‘‘Baka next year matuloy na tayo. Kung hindi magkakaroon nang dagdag na produksiyon, possible ang pag-uwi natin kasama ang mga bata.’’

‘‘Siyanga pala, ang pinsan kong si Torn ang lagi kong makakausap. Sabi ko tumawag siya sa akin kapag may problema.’’

‘‘Mukhang maaasahan si Torn ano?’’

‘‘Oo. Nangako siya sa akin na gagawin ang lahat ng pagsisikap. Lahat daw nang sinabi ko, tutuparin niya.’’

“Dapat ngang tulungan siya. Natitiyak ang pag-unlad sa katulad niya.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DAPAT

LSQUO

NANG

NIYA

OO

SABI

TIBUR

TIYA ENCAR

TIYO NADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with