^

True Confessions

May Isang Pangit(42)

- Ronnie M. Halos -

“EKSAKTONG dala­wang taon sa Saudi si Mulong nang sabihin niya sa akin na balak na nilang magpakasal ni Gina. Sabay daw silang magbabakasyon at idadaos ang kanilang kasal. Simpleng kasalan lang daw ang gusto ni Gina.

“Nagulat ako nang sabihin ni Mulong na isa ako sa mga bestman niya. Bakit daw ako nagulat nang sabihin niyang bestman ako. Sagot ko’y hindi ko inaasahan iyon dahil ni minsan ay wala pang kumuha sa akin para maging bestman. Siguro’y dahil sa ngitpa ako.

‘‘Nagtawa si Mulong. Mabuti raw yata e kunin niya akong ninong kaysa bestman. Ako naman ang nagtawa. Mukha na nga yatang pang-ninong ang mukhang ito.

“Nagbakasyon din ako. Naunawaan ni Abdullah kung bakit nagsabay kami ni Mulong sa pagbabakasyon. Natuwa pa nga at binigyan ng regalo si Mulong. Pera. Hindi ko alam kung magkano. Basta raw pagkatapos ng wedding ay babalik din si Mulong. Nangako si Mulong. Nagustuhan kasi ni Abdullah ang performance sa traba-ho ni Mulong. Balak din kasi ni Abdullah na magtayo ng negosyong paghuhukay ng lupa o balon para may pagkunan ng tubig. Madaling natuto si Mulong sa ope­rasyon ng paghuhukay ng lupa sa disyerto.

‘‘Maayos ang na-ging kasalan nina Mulong at Gina. Sa bayan nina Gina sa Laguna ginawa ang kasalan. Masayang-masaya ang dalawa. Ako naman ay masaya rin para sa aking kaibigan na si Mulong. Sa wakas ay nagkaroon din ng ningning ang kanyang mga mata. Pagkaraan ng mga sakit na naranasan, nakalasap din siya ng ligaya.

“Sabay-sabay din kaming nagbalik sa Saudi Arabia. Si Mulong ay hindi ko nakasama sa aming housing sa farm. Nangupahan na kasi sila ni Gina malapit sa ospital. Mas mahirap daw kasi kay Gina kung lalayo pa ng tirahan.

“Tuwing Biyernes ay binibisita ko sina Mulong at Gina sa tirahan nila. Nagkakainan kami. Maghapong nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Hanggang sa madako sa akin ang usapan. Kailan daw ako mag-aasawa. Nagtawa lang ako. Sino ba ang gugusto sa akin? Wala na sigurong gugusto sa pangit na gaya ko.

“Pero pinalakas ni Gina ang loob ko. Kapag daw may nalaman siyang babae na naghahanap ng nobyo ay ima-match ako. Huwag ko raw laitin o kawawain ang sarili ko. (Itutuloy)

vuukle comment

ABDULLAH

AKO

BAKIT

GINA

MULONG

NAGTAWA

SABAY

SAUDI ARABIA

SI MULONG

TUWING BIYERNES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with