^

True Confessions

Thelma (14)

- Ronnie M. Halos -

PERO hindi binigyan ng malisya ni Thelma ang pagkiskis ng harapan ni Caloy sa puwitan niya. Sikip ang daanan kaya kailangang lumakad nang patagilid at hindi maaaring hindi masanggi ang matambok niyang puwit. Sa tingin naman niya ay hindi manyakis si Caloy. Yung pagtingin o pagsulyap sa mauumbok niyang suso ay karaniwan lang sa lalaki. Isa pa’y talagang pansinin ang kanyang mga suso. At lalo pa ngang umalsa ang kanyang mga suso nang makapanganak. Pinasususo pa niya ang anak kaya lalong halatang-halata.

Ilang beses pang nagdaan sa likuran ni Thelma si Caloy. At sa ikaapat na pagdaan ay naramdaman ni Thelma na ang bumundol sa likuran niya ay matigas na matigas na hindi niya malaman kung ano. Parang bakal!

Para hindi na magdaan sa likod niya si Caloy, nag-iba ng puwesto si Thelma. At hindi na siya nakatalikod kundi nakaharap na. Nakasandal siya sa mga telang nakabalumbon. Nang magbago siya ng puwesto ay hindi na nagdaan doon si Caloy. Ganunman, hindi na niya iyon binigyan ng pansin. Ang pinagtuunan niya ng pansin ay ang ginagawa.

Nang matapos niyang tiklupin ang mga damit ay maayos na ipinatas iyon sa estante. Kapag may dumarating na customer ay tuma­takbo siya sa harapan at tinatanong kung ano ang hinahanap. Maraming customer ng araw na iyon. Sunud-sunod ang mga bumili ng damit. Si Caloy ay walang tigil sa pagsusukli.

Nang mag-alas singko ay nagpaalam na si Thelma kay Caloy.

“Ang daming benta natin. Mukhang suwerte ka Thelma.”

“Hindi naman po siguro, Mang Caloy.”

“Ito ang suweldo mo Thelma. Kapag laging maganda ang benta natin, dadagdagan ko ang suweldo mo.”

Kinuha ni Thelma ang suweldong P300. Masaya siya sa unang suweldo.

“Salamat, Mang Caloy. Aalis na po ako.”

“Bukas agahan mo uli ha?”

“Opo, Mang Caloy.”

Lumakad na si Thelma. Pero sa pakiramdam niya, sinusundan siya ng tingin ni Mang Caloy. Baka kaya gandang-ganda ito sa hubog ng puwit niya. Kanina, kung hindi siya nagbago ng puwesto ay baka kung ilang beses pa itong dumaan sa likuran niya. Baka nagasgas ang puwit niya sa pagdaan nito. At talagang naramdaman niya na may “bakal” na tumusok sa puwit niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

CALOY

KAPAG

MANG CALOY

NANG

NIYA

SI CALOY

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with