Ako ay Makasalanan (79)
“AKONG bahala sa’yo Tess. Buhay reyna ka rito. Wala kang gagawin kundi hintayin lang ako rito.”
Iyon ang sabi ng lalaking nasa tabi niya.
“Kung hindi mo pa ako kilala, ako si Mr. Dy. Ako yung may-ari nang malaking department store meron din akong mga hardware sa Sta, Cruz at restaurant dito sa Binondo…”
Tama nga ang hula ko. Siya nga ang boss ni Mon.
“Marami na akong alam sa’yo. Basta huwag ka na lang maingay pa at akong bahala sa’yo. Wala pang babaing nagsisi sa pakikisama sa akin.”
Gusto kong itanong kung nasaan si Mon. Pero nananatiling urong pa ang aking dila. Walang lakas.
“Sa lahat ng mga nakasama ko, ikaw ang pina- ka-okey. Tama ang sabi ni Ramon. Okey talaga ang bata kong yun.”
Hayop ka Mon! Putang-ina mo Mon!
“Kung galit ka kay Ramon, kalimutan mo na. Sumunod lang siya sa akin. Ako nang nagso-sorry para sa kanya. At saka wala rin namang silbi kung magalit sa kanya dahil hindi mo na siya makikita.”
Nagtaka ako sa sinabi ni Mr. Dy. Bakit kaya? Nasaan na kaya ang putang-inang si Mon.
“Susustentuhan kita. Kahit magkano ang gusto mo. Basta dito ka lang ha. Kung gusto mong lumabas, bahala ka. Pero babalik ka rito sa gabi at hihinta- yin ako. Kung gusto mong mag-aral sige akong ba-hala sa gastos. Basta huwag ka lang papatol sa iba ha. Ako lang ang gagalaw sa’yo.”
Ano ba itong napasu-kan kong ito? Nagpasalin-salin na ako sa iba’t ibang lalaki at wala naman akong magawa. Wala naman akong lakas na lumaban.
“Ako lang ang gagamit sa’yo Tess. Seloso ako. Mabait ako pero maba- ngis. Okey ba?”
Hindi ako makasagot. Tuliro pa ang isip ko.
“Okey basta ganun ang usapan natin. Hindi ka maaagrabyado sa akin, Tess. Wala pang babae na umayaw sa offer ko. Yung mga nagdaan sa aking babae, maganda na ang buhay. Matalino kasi sila. Sana ikaw ganun din…”
Unti-unti ay nagkakahugis na ang mga sinasa-bi ni Mr. Dy. Nakukuha ko na. Kailangang maging matalino. Kailangang maging mautak. Kailangang lumaban.
“Sige ha, babalikan na lang kita. Safe ka rito,” sabi at saka tumayo. Nahirapang tumayo dahil sa kalakihan ng tiyan. Nang makatayo ay hinagilap ang pantalon at dinukot ang matambok na pitaka. Kumuha ng pera. Makapal. At saka kinuha ang aking palad. Ipinailalim doon ang makapal na pera. Pagkaraan ay nagbihis na. Saka umalis. Hindi na lumingon.
Ako ay nanatiling nakaupo sa kama. Tuliro pa rin. Hindi ko inaalis sa palad ang nakaipit na pera. Hindi ba’t ito ang gusto ko?
(Itutuloy)
- Latest
- Trending














