^

True Confessions

Apoy sa Balsa (8)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SUMIKAT ang araw na may dalang kakaibang kata­himikan. Ang lawa na kagabi lang ay nagngangalit ay parang salamin sa sobrang kalmado nito, at ang sinag ng umaga ay pumasok sa mga siwang ng kubo, nagbibigay ng gintong liwanag sa magkayakap na katawan nina Rhea at Kael.

Gising na si Rhea, ngunit nanatili siyang nakasandig sa matigas na dibdib ng lalaki, pinakikinggan ang banayad na tibok ng puso nito. May mabigat na lungkot na lumulukob sa kanyang dibdib; alam niyang sa pagbangon nilang dalawa, tapos na ang pantasya.

Binasag ng malayong ugong ng makina ng bangka ang kapayapaan. Ang motorboat boat mula sa resort para sunduin na pabalik si Rhea.

Dahan-dahang lumuwag ang yakap ni Kael. Tumingin ito sa kanya, may lungkot din sa mga madidilim nitong mata ngunit may pagtanggap. Walang sisihan, walang pagmamadali. Tahimik na tinulungan ni Kael si Rhea na ayusin ang kanyang mga gamit at isuot muli ang natu­yong damit, na ngayon ay tila napakabigat isuot.

Sa may pampang, habang naghihintay ang bangka, humarap si Rhea kay Kael. Gusto niyang magsalita, gustong mag-iwan ng pangako, ngunit paano mo ibubuod sa ilang salita ang isang gabing nagpabago sa buong pagkatao mo?

“Uuwi na ako,” mahinang wika ni Rhea, halos guma­ralgal ang boses.

Ngumiti nang bahagya si Kael, hinawakan ang kani­yang kamay sa huling pagkakataon. “Sige Mam ingat po.”

Sumakay si Rhea sa bangka nang may mabigat na hakbang. Habang papalayo ang sasakyan at unti-unting lumiliit ang pigura ni Kael. naramdaman ni Rhea ang pagpatak ng luha. Hawak nga niya ang kanyang bag at laptop, ngunit naiwan ang kanyang puso sa kubo ni Kael.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with