^

True Confessions

Mga mata sa Butas(18)

- Ronnie M. Halos -
KAKAIBA ang nakita ko sa kuwartong iyon. Isang lalaking Lebanese at dalawang babae na kung hindi ako nagkakamali ay Sri Lankan o Bangladeshi. Sa tipo ay mayaman ang Lebanese. Maitim naman ang mga babae at hindi gaanong magaganda.

Parang sa pelikula ang tagpo na dalawa ang partner ng lalaki. Ang ipinagtataka ko ay kung paano naipasok ng Lebanese ang dalawang babae sa kuwartong iyon gayong mahigpit sa hotel. Maaaring asawa niya ang dalawang babae. Karamihan sa mga Lebanese na nasa Saudi Arabia ay magaganda ang trabaho sapagkat maimpluwensiya ang president ng Lebanon na si Rafik Hariri. Maraming kompanya si Hariri sa Saudi Arabia. Nakikinabang nang husto ang mga Lebanese nationals.

Hindi asawa ng Lebanese ang dalawang babae. Iyon ang suspetsa ko. Sa nakita kong likot ng dalawang babae sa pagbibigay ng kasiyahan sa mayamang Lebanese, mga "batu-batong mababa ang lipad" sila. Mga bayarang babae ang dalawa. Puwedeng mga DH sila na tumakas sa amo at nagtungo sa kanilang embahada pero ang binagsakan ay ang pagiging "prosti". Inilalabas sa embassy para magbenta ng laman.

Kung anu-ano ang ipinagawa ng mayamang Lebanese sa dalawang babae. Sunud-sunuran ang dalawang alipin. Kung anu-anong posisyon.

Matagal ang session na iyon. Pero sulit ang bawat sandali. Maski ako ay nasiyahan. Kahit pa magbayad uli ako kay Kabayan para manood ay gagawin ko. Kaya lang, hindi naman pelikula iyon na maaaring i-rewind.

Itutuloy

vuukle comment

BABAE

BANGLADESHI

DALAWANG

HARIRI

INILALABAS

ISANG

LEBANESE

RAFIK HARIRI

SAUDI ARABIA

SRI LANKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with