^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-118 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

Nadagdagan umano ang takot ni Ellie nang makabalita sa Riyadh na magkapatid na Saudi na nahulimg nagsi-sex. Ikinuwento umano iyon sa kanya ng isang Pinay maid. Nagkaroon ako ng interes sa ikinukuwento ni Ellie.

"Madalas daw maiwan sa bahay ang magkapatid. At kaya raw nangyari iyon ay dahil sa panonood ng mga x-rated tapes. Siguro nadarang daw ang lalaki sa pinanood kaya ang ginawa e tinawag ang kapatid na babae at pinanood din. Doon daw nagsimula ang relasyon."

"Malay mo kung gumagawa lamang ng tsismis ang nakausap mong maid," sabi ko naman. "Alam mo naman ang mga Pinoy mahilig sa tsismis."

"Totoo raw iyon. Kalat na kalat sa buong Riyadh."

"At naiisip mo na baka ganoon ang ginagawa ni Aziza."

Napatango. Sabagay may dahilang isipin ni Ellie iyon kay Aziza. Ilang taon na ang nakararaan, ninakaw ni Aziza ang kanyang bold VHS tape. Sa murang gulang ni Aziza noon ay may bahid na ng kamunduhan. Tapos e pinilit pa ako para mapanood niya ang bold tape. Nakita ang kalaswaan na lalong nagpaigting sa pagnanasa na subukan kung ano ang hiwaga sa likod ng pinanood.

Inilihim ko kay Ellie ang panonood ni Aziza sa tape. At kahit na malalim na ang kanyang paghihinala tungkol sa amin ni Aziza hindi pa rin ako aamin. Kaya nga mabuti na rin ang desisyon ko na magsakit-sakitan para maitaboy si Aziza. Nakaligtas ako sa pagkabuking ng lihim. Maaari namang maging habambuhay na patago ang pagniniig namin at okey lang kahit hindi ko makuha ang kanyang pagkababae.

Bumangon si Ellie. Walang saplot na tinungo ang kinaroroonan ng hinubad na daster. Isinuot iyon. Sinulyapan ko ang wall clock: alas-kuwatro na ng madaling araw.

"Lilipat na ako sa kabila. Tiyak na marami akong gagawin ngayon," sabi ni Ellie.

Napatango ako. Gusto ko pang ituloy ang pagtulog. Ang magdamag na pagmamahalan namin ni Ellie ay nagdulot sa akin ng kakaibang pagod.

Palabas na si Ellie sa kuwarto nang may napansin.

"Kanino ito?"

Hawak nito ang pang-ipit sa buhok na naiwan ni Aziza. Patay na! (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AL-KHOBAR

AZIZA

ELLIE

NAPATANGO

REN E

RIYADH

SAUDI ARABIA

SI REN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with