^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-36 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Eto na ang oras na pinakahihintay ni Lara. Ang ipinagtataka niya’y may pintig ng kaba siyang naramdaman. Ewan niya kung sadyang ganoon ang nadarama ng babaing birheng tulad niya. Kapag pala malapit na ang pakikipagsagupa ay makadarama rin ng nerbiyos. Pero kaunting pintig lamang ng kaba iyon. Gusto na rin naman niyang mangyari ang hinihintay niya. Hindi ba’t iniaalok na nga niya ang lahat. Itininda pa nga niya sa beach sa Balayan kaso’y ayaw bilhin. Hindi niya alam kung bakit. Kaakit-akit naman ang paninda niya.

Isang itim na neglegee ang isinuot niya. Itim din ang kapirangggot na saplot sa loob niyon. Kung puwersahan ang pag-alis sa kapiranggot na saplot madali iyong bibigay.

Bago ang aktuwal na pangyayari ay nagtagal muna si Lara sa banyo. Matinding preparasyon ang kanyang ginawa. Hinihintay sana niyang sabihin ni Jay na magsabay sila sa paliligo ngunit wala itong sinabi. Okey lang dahil nagkakahiyaan pa. Pero kung yayayain papayag siya. Ano pa ang dahilan. Mag-asawa na naman sila. Ano pa ang ikahihiya? Nag-shower siya. Nilinis ang kasuluk-sulukan ng katawan. Sinigurado walang makikitang kapintasan.

Pagkatapos niyang maligo ay si Jay naman ang nagtungo sa banyo. Matagal si Jay sa banyo. Mas matagal pa kaysa sa inilagi ni Lara roon. Nang matapos si Jay ay pumasok ito sa kanilang kuwarto na naka-brief na lamang. Maganda ang pangangatawan nito. Makinis. Kutis mayaman. Nasulyapan niya ang pagkalalaking hindi maitago ng bikini brief. Napabuntung-hininga si Lara. Wala na ang kaunting pintig ng kaba na nadama.

Tumabi sa kanya si Jay. Hinalikan siya sa labi. Gumapang sa kung saan-sang bahagi ng katawan. Sa kanyang batok, leeg, at hinawi ang manipis na pantulog. Nasumpungan ang kanyang dibdib. Nagtagal doon.

Naging marahas na ang mga kamay. Kung saan-saan na nagsuot. Naghahanap ng kung anu-ano. Pinabayaan niya. Ganoon yata talaga ang ritwal. Iisa ang alam niya may karanasan na si Jay at sumusunod na lamang siya sa anumang gawin nito sa kanya. Kahit ano ay susundin niya.

Hanggang sa ipagawa sa kanya iyon. Kakaiba sa nalalaman niyang posisyon nang dalawang nagmamahalan. Bakit? Gusto niyang itanong. Pero hindi na niya sinuway. Masunurin siya. Kahit na masakit ay sinusunod niya. Kung ano ang gusto ay iyon ang susundin niya. Ngunit ang pagtataka ay naroon pa rin. Bakit sa likod at hindi sa harap dumating ang inaasahan niyang bisita? Bakit kailangang pahirapan pa siya? Bakit kailangang patikimin ng pait? (Itutuloy)

vuukle comment

ANO

BAKIT

BALAYAN

ETO

EWAN

KAHIT

KUNG

LARA

NIYA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with