^

PSN Showbiz

Maraming artista makikipagsapalaran sa 2013!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Sure ako na maraming iba pang mga artista na nag-file ng certificate of candidacy noong October 1 hanggang October 5 pero hindi natin nabalitaan dahil kakandidato sila sa malalayong probinsya.

Star-studded ang limang araw na filing ng certificate of candidacy dahil sa pagtakbo ng mga celebrity gaya nina Aga Muhlach, Joko Diaz, Daniel Fernando, Christopher de Leon, Alfred Vargas, Vilma Santos, Joseph Estrada, Roderick Paulate. Isko Moreno, Lou Veloso, Alma Moreno, Ryan Yllana, Joey Marquez, ER Ejercito, Manny Pac­quiao, Jinkee Pacquiao, Annabelle Rama, Her­bert Bautista, Shalani Soledad-Romulo, Jolo Revilla, Lani Mercado at kung may nakalimutan ako, pasensiya na. Pero sure ako na marami pang iba diyan.

Bela pa-tweetums tungkol sa bf

Nagpa-tweetums si Bela Padilla nang mag-guest siya kahapon sa Startalk at nag-promote ng Magdalena, ang afternoon teleserye ng GMA 7 na magsisimula bukas.

Umiwas si Bela na sumagot nang tanungin tungkol sa lovelife niya. Hindi niya sinabi ang pangalan ng kanyang boyfriend pero knows ng lahat na siya ang ipinalit ng businessman na si Neil Arce kay Maxene Magalona.

Pagpapakasal sa kapwa lalaki ni Prince, lumang isyu na

Ang Magdalena ang comeback project ni Prince Stefan sa GMA 7. Umapir din kahapon si Prince sa Startalk at nag-dialogue na sa huling pagkakataon, sasagutin niya ang isyu na nagpakasal siya sa Amerika.

Hindi raw totoo na nagpakasal siya sa US dahil napakabata pa niya para mag-asawa. Siyempre, putol ang tanong ni Papa Joey dahil ang isyu na nagpakasal si Prince sa kapwa mhin ang kanyang tinutumbok. Naging polite si Papa Joey kay Prince dahil hindi na siya nangulit. Afterall, lumang-luma na ang isyu at moving forward na si Prince na hindi kamag-anak ng singer na si Gloria.

Coffee prince ratsada

Ratsada sa pagpo-promote ang cast ng Coffee Prince at Magdalena dahil bukas na ang pilot telecast ng kanilang mga programa sa GMA 7.

Sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Benjamin Alves at Max Collins ang starring sa Coffee Prince na mapapanood pagkatapos ng Luna Blanca.

Mga bida naman sa Magdalena sina Bela Padilla, Dion Ignacio, Prince Stefan, Pancho Magno at Pauleen Luna. Inikot ng mga nasabing artista ang lahat ng shows ng GMA 7 para i-remind sa televiewers ang pagsisimula ng kanilang mga brand new project.

Dingdong at Marian napaboran ng mga negang isyu

Matatag ang relasyon nina Dingdong Dantes at Marian Rivera pero iniintriga na may problema sila at idinadamay pa si Isabelle Daza.

Hindi totoo ang mga tsis­mis na nagkakalabuan sila. Mismong ang nanay ni Isabelle na si Gloria Diaz ang nagsabi na wala siyang nakikita na bulaklak o cho­colates na padala raw ni Dingdong sa kanyang anak.

At sa pagkakaalam ko, may boyfriend si Isabelle na foreigner at hindi ang tipo niya ang maninira ng relasyon ng may relasyon.

Pumutok ang tsismis na nagkakalabuan sina Marian at Dingdong habang busy ito sa promo ng Tiktik: The Aswang Chronicles at nang magsi­mula ang Extra Challenge taping nina Marian at Richard Gutierrez.

Nega ang tsismis pero nakatulong ito para ma­pag-usapan ang mga coming soon movie at TV show nina Dingdong at Ma­rian.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALFRED VARGAS

BELA PADILLA

COFFEE PRINCE

MAGDALENA

PAPA JOEY

PRINCE

PRINCE STEFAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with