^

Entertainment

‘’Wag na mag- Dye nang dahil sa ‘yo!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
��Wag na mag- Dye nang dahil sa �yo!�
‘Aking ginaya ang peg you Paul McCartney, ‘Wag na mag-dye nang dahil sa ‘yo!’

Sa ilang mga nakaraang artikulo,

Napansin nyo sigurong puti na buhok ko,

 

Wala na yung dating mundo! Iba na ito!

But WHITE este, wait there’s more — I’m still Ang Poet Nyo!

Ito ngayong hitsura ko I call MY OLD NEW!

Sa haba kasi ng KWARANTINA alam nyo,

I declared WAR ON TINA! Mag-dye na’y ayoko!

 

Tanggap ba nyong nasa EDEN na tayong bago?

Well, kung ayaw ninyo at tunog parang keso,

Pero ako isa yan sa’king paborito,

Eh di tawagin nating Bagong Paraiso!

At yan ay magaganap lang pag nakumpleto

At tuluyang maglaho na pandemyang ito!

Kaya itong sa NEW papunta pa lang tayo,

Kahimanawari nga ay magkatotoo!

Tunay na tinutumbok ba ng Ang Poet Nyo —

Pag patag na lahat simula ulit tayo!

Parang sina Adam and Eve long, long time ago,

Pwera lang muna yung magparami ng tao!

Ngek! Basta bagong simula sa kahit ano,

Like in TRAVELING maghanda ng bagong plano!

He, he, he… ano’ng lugar ang uunahin nyo?

Ako? Kahit sinong magbukas na safe na… GO!

Wahhh! O Dios ko please, palayasin Nyo na ako!

Hoy pwedeng tumawa pero ganon din kayo!

Doon sa ang airport ay isang paraiso,

One more time... MY GOD, PALAYASIN NYO NA KAMO!

First na tatanggap ng turista we still don’t know!

Lifestyle’s Editor Millet may feature nga dito,

“When All This Is Over…” saan unang punta nyo?

Iba-iba trip… na trip ng mga friends nito!

Merong nais magpunta sa Lourdes na grotto,

May gusto lamang maglugaw sa Tiong Bahru!

Meron ngang sa Japan tumakbo nang tumakbo!

May takam kumain ng saging sa Soi Suanplu!

Saging man o sining ang ipinaglakbay mo,

Pag sa ibang lupain pareho ring luho!

Nakakatuwa kung minsan ang ilang tao

Lalo’t isang maykaya kapag dumarayo!

 

Mga simpleng bagay lang kung minsan ang gusto,

Ang makakain lang kanyang paborito,

Ang iba’y magbabad lang sa mga museo,

O pumila sa teatro at magpalitrato!

Yan ang sarap pag nasarapan nga siguro

Sa dalas ng paglalakbay sa buong mundo!

Pagkat ano pa ba gagawin sa buhay mo?

LAKBAY! LAKLAK at BUY lang ng kung ano-ano!

And speaking of new, eto ako’y sigurado —

Ang laman ng maleta na ay magbabago,

Mas marami na face masks kesa underwear nyo!

And do you know pwedeng face mask underwear ninyo?

 

It’s true no ngek, nakita ko sa Facebook mismo!

Ang maganda balot pa nga buong ulo!

Basta wag lang FACEBACK ang gagamitin ninyo,

Yan yung T-BACK na ginawang FACE MASK! Na-gets nyo?

Back tayo dun sa unang pinagsasabi ko —

Op kors nagbibiro lamang po ako pero

Nang makita si Paul McCartney sa litrato

At kanyang hairdo, ang nasabi ko... LOVE YOUR DO!

 

Sir Paul McCartney said sa kanyang birthday greetings,

“I once was 33, then I was 45...” din,

“And now I’m 78 and spinning... Keep rocking!”

All sizes and speeds dinaanan nya, ang galing!

Dahil once upon a time I was a Deejay din,

Numbers na binanggit nya tumagos sa akin!

Ang dalawa doon ay akin nang narating,

My RECORD shows “third’s” on MY WAY you just keep waiting!

***************

(To the tune of Paul McCartney’s “When I’m Sixty-Four”)

When you get older

Silver na hair

Many years from now,

At natyempo pa na naka-quarantine

Mangyayari ay just like mine!

Kung hair na’y white

Like Paul McCartney

You will love yours more

Ayos pa baby

Basta marami

‘Wag lang three or four!

Okay na ito

At kung gusto pa nyo

Tanong sa kalbo!

Basta pa hairy

Di pa ubos

Oks lang yang uban

Ang dating mo pa nga’y parang stateside

No one will say

That you DYED!

Wala nang Bigen

Tina no need

Pag you’re sixty-four

Wait I’m so sorry

I’m not kasali

I’m SEVENTY-FOUR!

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with