^

PSN Showbiz

Singer-actress, nilandi ang mister ng kanyang concert produ

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Naimbitahan ang isang female singer-actress na mag-perform sa States.

Eh mas lamang ang pagiging singer niya kesa aktres kaya mabenta sa abroad. Kahit may anak pa eh seksi pa rin siya. Mula rin kasi siya sa showbiz family kaya kilala.

Isa sa producers ng show ay isang Pinay na may asawang Kano. Nag-offer siya sa aktres na sa bahay na lang nila tumira kesa sa hotel dahil malapit sa venue.

Guwaping ang dyowa ni Pinay. Pero ang babae ang madalas namimili para sa needs ng singer.

Kaya nang mamili minsan ang dyowang Pinay, naiwan si afam niyang dyowa at singer.

Umiral ang kati kay singer. Pinapasok niya ang afam sa room niya.

Dumating matapos ang isang oras na pamimili si misis. Nang hanapin si mister, nakita niya itong nasa room nila pero kasama ang singer at nahuli niyang gumagawa ng milagro!

Nagalit siyempre si misis! Pinalayas si singer na tinawagan ang manager na sumundo sa kanya sa bahay at itinira sa hotel hanggang sa umuwi sila ng Pinas!

Nag-divorce ang mag-asawa dahil sa nangyari pero tuloy pa rin ang Pinay sa pag-produce pero singers na lalaki na ang kinukuha niya!

LVD, tuloy pa rin sa pagprodyus

Nakakalungkot ang biglaang pagpanaw ng artist manager na si Leo Dominguez nitong nakaraang mga araw.

Si Leo ang manager nina Snooky Serna, Ogie Alcasid, Lovi Poe at iba pa.

Tahimik lang pero alam niya ang mga press na nakakatulong sa artists niya mula noon hanggang ngayon.

Si Snooky ang fave niyang artista na talagang pinag-produce niya ng movie na siya ang bida.

Kahit wala na, tuloy pa rin ang kanyang LVD Management na pamamahalaan ng trusted man niya kabilang si Rey Lanada.

Our condolences sa naiwan ni Leo…

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with