^

Bansa

Mister kinatay ni ‘misis’ habang tulog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mister kinatay ni �misis� habang tulog
Malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktima na kinilala lamang sa pangalang “Alvin”, 56, habang ang live-in partner niyang si “Teresa”, 39, kapwa residente ng naturang lugar, ay nasa kustodya na ng awtoridad.
STAR/File

Nagselos sa pakikipag-chat sa Facebook

MANILA, Philippines — Hindi na nagising ang isang mister matapos pagsasaksakin ng kanyang live-in partner habang natutulog sa duyan sa labas ng kanilang bahay sa Purok-5, Brgy. San Francisco, Legazpi City, Albay kahapon ng madaling araw.

Malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktima na kinilala lamang sa pangalang “Alvin”, 56, habang ang live-in partner niyang si “Teresa”, 39, kapwa residente ng naturang lugar, ay nasa kustodya na ng awtoridad.

Sa ulat, mag-aala-1 ng madaling araw, galing umano ng inuman ang mag-live in pero habang pauwi ay nagtatalo na dahil sa pagseselos ni Alvin sa pakikipag-usap ni Teresa sa ibang mga lalaki at ka-chat sa Facebook.

Hanggang sa kanilang bahay ay mainit na nagtalo ang dalawa hanggang sa suntukin sa mukha ng lalaki ang babae at nagbabala na papatayin nito kapag nahuli niyang may kalaguyo o may ibang lalaki.

Hindi na nakipagtalo pa ang babae at ilang sandali ay lumabas ang lalaki at nagpahangin sa duyan sa labas ng kanilang bahay hanggang sa makatulog doon.

Gayunman, nang masiguro ng babae na tulog na ang kinakasama ay kumuha siya ng mahabang kutsilyo sa kusina saka nilapitan at inundayan nito sunu-sunod na saksak hanggang sa duguan at patay na nahulog sa duyan.

Matapos ang pagpatay sa live-in partner, boluntaryong sumuko ang babae sa rumespondeng mga barangay tanod at kay Brgy Chairman Ronaldo Aringo at sila na ang nagturn-over sa mga pulis kasama ang kutsilyong ginamit sa krimen.

Sinubukan pang isinugod sa Legazpi City Hospital ang nasabing mister pero idineklarang dead-on-arrival. Inihahanda na ang kasong murder laban sa nakakulong na ginang.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with