^

Police Metro

Pagtatayo ng China ng isla sa Escoda Shoal, binabantayan

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pang-masa
Pagtatayo ng China ng isla sa Escoda Shoal, binabantayan
This photo taken on Feb. 16, 2024 shows Filipino fishermen aboard their wooden boats (middle L and 2nd L) and Philippine Fisheries and Aquatic Resources personnel aboard their rigid hull inflatable boat (foreground C) sailing past a Chinese coast guard ship (top) near the China-controlled Scarborough Shoal, in disputed waters of the South China Sea.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Binabantayan na ng tropa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Escoda (Sabina) Shoal dahil sa ginagawang pagtatambak ng mga wasak na corals na pinaniniwalaang paghahanda ng China sa reclamation o itatayong artipisyal na isla sa ibabaw ng maritime feature na malapit sa Palawan, sa halip na sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa post sa Twitter, na sa ginawang tatlong Linggong deployment ng BRP Teresa Magbanua sa Sabina/Escoda Shoal, naobserbahan na ang low tide elevation (LTE) na nakapalibot sa shoal ay katulad ng sa Sandy Cays.

Iniulat din ni Tarriela na may mahigit 30 Chinese militia vessels, bukod sa mga research ship ng China, Navy vessels at isang helicopter ang naobserbahan sa deployment ng BRP Teresa Magbanua sa naturang shoal.

Ang Sandy Cays sa Pag-asa island ay una nang lumabas sa research findings ng mga marine biologist ng University of the Philippines (UP) na pinamumunuan ni Dr. Jonathan Anticamara na mas kitang-kita na aniya, ang paglaki ng mga sandbars, kahit pa ito high tide kung saan natuklasan ang mga patay na coral fragments.

“Dito kumbaga nagsisimula pa lang. So kung sasabihin natin na itong pagdu-dump ng coral na ginawa nila sa Sandy Cay has allowed them (China) to expand itong land area, surface area na ito as artificial island, then most likely kung hindi natin imo-monitor ito, at hindi natin babantayan ito, baka sa mga susunod na buwan, magulat na lang din na sa Sabina Shoal, ay malalaki na rin ang mga isla na ginawa nila,” ani Tarriela.

Ginagamit aniya, ng China ang mga corals bilang pantambak at sa ginagawang ito ay kailangang sirain ang mas marami pang corals para sa island reclamation. -

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with